JULIE & ELMO

"When it's all too much, look at what we've done."

COMING UP STRONG (Chapter 22)

JAPS’ Journal

Hindi ko masabi kay Rhea na hindi ang paggawa ni Elmo ng kanta ang rason kung bakit hindi siya nagpapakita sa amin lately. Hindi ko maamin sa kanya ang inamin sa akin ni Elmo. Paano ko gagawin yun kung alam kong may gusto siya dun sa tao? “Hi, Rhea, sorry pero ako kasi gusto ni Elmo hindi ikaw, inamin niya yun sa akin. By the way, yun din ang rason bakit di na siya nagpapakita sa atin, kasi awkward na kami”, ganun ba? Hindi ko na talaga kaya. And yung fact na excited pa siya magkwento sa akin lagi kung paano siya magiging ka-supportive sa talent show para kay Elmo… lalo akong nahihirapan mag-isip ng paraan paano ko sasabihin sa kanya. Pero alangan naman na hindi ko sabihin? Alangan naman na paasahin ko yung tao? Hay, ang hirap naman!

***************************

 “Julie, san ka pupunta?”, tanong ni Rhea sa akin.

Naka-upo kasi kami sa library, nag-aaral para sa quiz bukas nang bigla nalang akong tumayo.

“Ha?”, tanong ko, abala sa paglalagay ng gamit ko sa bag.

Kumunot ang noo ni Rhea at napatitig siya sa akin. “Okay ka lang? Sabi ko, saan ka pupunta? Bigla ka nalang tumatayo diyan”, sagot niya.

Lately talaga, wala ako sa tamang pag-iisip. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa din alam kung paano ko sasabihin kay Rhea ang tungkol kay Elmo. Kagabi, napagdesisyunan ko na kakausapin ko muna si Elmo tungkol dito bago ko sabihin kay Rhea. At dahil nakita ko palabas ng library ang dalawang kaibigan niyang sila Kris at Jared, naisip kong baka matulungan nila akong ma-contact si Elmo. Hindi kasi nito sinasagot ang text messages at tawag ko sakanya.

“Ha? Ano, oo okay lang ako… may nakalimutan lang akong… gawin. Basta, text na lang kita mamaya”, sagot ko. Hindi ko na inantay pa ang sagot niya at nagmadali akong sinundan palabas ng library ang mga kabarkada ni Elmo.

Nang makarating ako sa hallway at nakitang medyo malayo na sila sa akin, minabuti ko nang tawagin sila para alam nilang hintayin ako.

“Kris! Jared!”, sigaw ko.

“Ms. San Jose, hinaan mo naman ang boses mo may mga nagkaklase!”, pangaral sa akin ng isang gurong nakasalubong ko.

“Sorry po, sir!”, sagot ko habang nagmamadali padin papunta kila Kris. Buti nalang at narinig naman nila ako kaya tumigil na sila sa paglalakad.

“O Julie, bakit?”, tanong sa akin ni Jared.

Hinihingal ako pagdating sa kanila.

“Huminga ka muna, oy”, natatawang sambit ni Kris.

Ngumiti ako. “Buti naman narinig niyo ako, kanina ko pa kayo sinusundan, sa labas pa lang ng library. Anyway, alam niyo ba kung nasaan si Elmo? Kelangan ko kasi siyang makausap eh”, mabilis kong tugon.

Nagkatinginan silang dalawa at nakaramdam ako nab aka ayaw ipaalam ni Elmo sa akin kung nasaan siya. Pero buti na lang at hindi napigilan ni Jared.

“Huli naming siyang nakita, pupunta daw siya sa piano room”, sagot niya sa akin.

Pinandilatan siya ni Kris, pero hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. Ang importante alam ko na kung saan pupuntahan si Elmo.

“Thank you!”, sabi ko habang nagmamadali nang umatras mula sa kanila papunta sa piano room.

*************************

Pagdating ko sa piano room, tumigil muna ako sa harap ng pinto at huminga ng malalim. Ano nga bang sasabihin ko kay Elmo kung sakaling nasa loob nga siya? Sa totoo lang, hinanap ko lang talaga siya pero hindi ko talaga alam kung anong gusto kong pag-usapan naming. Well, alam kong kelangan naming pag-usapan yung pag-amin niya sa akin at kung paano namin sasabihin kay Rhea, pero paano ko ba uungkatin yung topic? Basta diretsahan na lang? Ah basta, bahala na nga.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng piano room.

“Elmo?”, tanong ko pagpasok.

Na-disappoint ako nang makitang walang tao sa loob. Malamang pumunta na sa klase si Elmo, or worse, na-text siya nila Kris na pupuntahan ko siya at bigla na lang siyang umalis. O baka naman hindi talaga siya nagpunta dito, at niloloko lang ako nila Jared? Kung ano pa man yun, wala talaga siya.

Paalis na sana ako nang mapansin kong merong lyric sheet sa may piano. Nilapitan ko at nakitang hindi lang pala lyric sheet iyon, isang buong kanta na pala, kasama ang mismong music piece. Naupo ako at tinugtog ang kanta.

“Why you crying? It’s okay now. If I hold you, will you calm down…”, pagkanta ko. Napatigil ako nang marinig kong bumukas ang isa pang pinto ng piano room. Lumingon ako pero wala naman akong nakitang tao. Napabuntong-hininga na lang ako. For a moment, umasa akong si Elmo yun, na bumalik siya. Pero mukhang wala akong swerte sa paghanap sa kanya ngayon.

Kinuha ko ang lyric sheet at tinignan kung may pangalan ng may-ari. Wala akong nakita pero meron akong hinalang kay Elmo iyon dahil kilala ko ang penmanship niya. Isinilid koi yon sa bag ko at tuluyan nang lumabas. Baka sakaling pansinin niya ako para kunin ang piyesa niya.

*********************

Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Tinext ko si Elmo kaninang tanghali para sabihin na nasa akin ang lyric sheet niya pero hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung baka hindi lang niya natanggap, bilang pangit minsan ang service ng cellular network ko, o sadyang ayaw lang niyang sagutin. Minabuti kong itext na lang uli siya.

To: Elmo Magalona

Message:

Hi, Moe! Nagpunta ako sa piano room kanina, may nakita akong lyric sheet na naiwan. Kamukha kasi ng penmanship mo yung penmanship sa papel kaya naisip ko baka sayo. Check mo kaya bukas kung sayo yun? Kita tayo lunch? Will wait for your reply. :)

Nahiga ako at tumitig sa kisame habang hinihintay ang reply niya. Alam ko may pagka-demanding ang text ko pero hindi ko na talaga alam anong gagawin ko para kausapin niya ako.

Matagal akong nakatitig sa kisame at bahagya nang makakatulog nang tumunog ang cellphone ko. Sa sobrang excitement ko kunin ito, muntikan pang madulas at mahulog.

From: Elmo Magalona

Message:

D ako pumunta piano room ngayon. Wala ako naiwang lyric sheet. Thanks.

Hindi ko alam kung masasaktan ako dahil sa pagsisinungaling niya, o sa fact na hindi man lang niya in-acknowledge yung imbitasyon kong magkita kami bukas for lunch.

Hindi ko na siya nagawa pang bigyan ng sagot. Nahiga na lang ako at tuluyang natulog.

COMING UP STRONG (Chapter 21)

EMAM’s JOURNAL

Ilang araw ko na bang hindi nakakausap si Julie? Ang hirap pala kapag nagkagusto ka sa kaibigan mo tapos malalaman mong wala naman siyang gusto sayo. Ang masaklap pa niyan, bigla ka na lang niya ipapaubaya sa ibang babae. Simula nung araw na inamin ko kay Julie ang nararamdaman ko sa piano room, iniwasan ko na sila ni Rhea. Hindi ko alam kung sinabi niya kay Rhea ang totoo. Pero base sa mga kilos ni Rhea, na pilit padin niya akong tawagan at itext, malamang hindi niya sinabi kay Rhea ang nangyari. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dahil, at least, hindi ko pa nasasaktan yung kaibigan namin… o maiinis ako na hindi naging honest si Julie sa kaibigan namin. Either way, mag-iisang linggo na kaming hindi nagkakausap-usap. Lahat ng oras ko ay itinutuon ko na lang sa pagtapos sa kantang matagal ko nang naumpisahan na pinamagatan kong ‘Coming Up Strong’. Malapit ko na din matapos ang kanta. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung itutuloy ko ba ang balak kong kantahin ito sa nalalapit na college talent show.

**********************

“Elmo! Elmo, teka lang!”

Sinubukan kong bilisan ang paglalakad palabas ng building pero mahaba ang pila sa exit dahil may mga fourth year na nakatambay sa may hagdan kaya’t wala akong choice kundi tumigil sa kinatatayuan ako. Naabutan ako ni Rhea. Hinarap ko siya, pilit na ngumiti.

“Uy, Rhea! Kumusta? Tagal ko na kayong hindi nakikita ah!” Sinubukan ko na lang magmukhang masaya na nakita ko siya.

Hinampas ni Rhea ang braso ko habang sabay kaming papalabas ng building. “Oo nga eh, saan ka ba nagsususuot at di ka na naming nahahagilap?”, tanong niya sa akin.

“Ah eh… may tinatapos kasi ako sa piano room na kanta…”

“Kakanta ka sa talent show? Nice! Hindi ka pa ata naming naririnig ni Julie na kumanta eh!”, natutuwang bigkas niya.

Narinig na ako ni Julie kumanta nung araw na umamin ako sa kanya. Pero siyempre hindi ko sinabi kay Rhea ito.

Nagpanggap akong nahihiya. Sa katotohanan, nahihiya din naman ako sa kanya. Dahil may alam akong hindi niya alam, na alam kong makakasakit sa kanya.

“Hindi naman kasi ako kasing-galing ni Julie kumanta eh. Tagong tago lang”, sagot ko.

Natawa si Rhea. “Meron ba kasing nilalang na kasing-galing kumanta ni Julie? Eh kakaiba boses nun eh. Pero teka, hindi nga, nakaka-excite naman yan. Ano ba kakantahin mo?”

Patay na. Sa kagustuhan kong ilihis ang atensyon sa pag-iwas ko sa kanila, napasok ko ang ibang gusot naman. Ngayon, ineexpect na nilang kakanta ako.

“Uhm, di pa naman ako sigurado kung kakanta ako kaya wag muna kayong mag-expect.”

Umiling si Rhea. “Ay hindi, manonood kami ni Julie. Kelangan kumanta ka ha? Pangganti mo man lang sa hindi mo pagsipot sa amin ng ilang araw. Ok? Basta sasabihan ko si Julie”, pilit niya sa akin. Lumingon siya sa parking lot at nakitang nandoon na ang susundo sa kanya. Lumingon siya uli sa akin. “Basta ha, see you sa talent show!” Kumaway siya at nag-umpisa nang lumayo.

“Teka, Rhea! Wag mo munang sabihin kay Julie. Hindi ko pa sigurado…”

“Sigurado na yan! Ilang araw na lang oh! Bye, Elmo!”.

At ganun ganun na lang, nakaalis na si Rhea at naiwan naman akong nakanganga doon.

***********************

Kung bakit ba kasi nasabi ko pa kay Rhea yun? Ngayon, ibang gusot naman tong pinasok ko. Ayokong kumanta. Dahil baka malaman ni Julie na tungkol sa kanya ang kanta ko. Nag-umpisa lang naman yun nung unang beses kaming nagkakilala na umiiyak siya eh.

“Hay, Elmo. Stupid”, bulong ko sa sarili ko. It was one thing to let her know I liked her. Ibang kaso na yung fact na ginawan ko pa siya ng kanta. Tinitigan ko uli ang text message na natanggap ko halos dalawampung minute na ang nakakalipas.

From: Julie Anne

Message:

Hi, Moe. Uhm, binalita ni Rhea sa akin na kaya ka daw wala lately eh may tinapos kang kanta para sa talent show. Yun ba talaga, o iba pa? Anyway, good luck sa talent show! Manood kami. :)

Napabuntong-hininga na lang ako. Kinuha ko ang notebook ko mula sa paanan ng kama ko at tinitigan ang natapos kong kanta.

“Why you crying? It’s okay now. If I hold you…”, sinubukan kong kantahin ang natapos ko.

Napabangon ako nang makita kong may maling notes sa mga ginawa kong melody. Kinuha ko ang lapis mula sa bag ko at binago ang mga notes. Pero malamang bukas ko pa masusubukan ang bagong melody sa piano room.

“When we’re shining, then we’re flying…”

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-eedit. Hindi ko napansin na nakatulog na akong hawak ang lapis at ang composition ko.

************************

“Yan, mas maayos na ang melody”, bulong ko sa sarili ko. Kahit pagod na ako, napangiti ako sa sarili ko habang nakaupo mag-isa sa piano room kinabukasan. Natapos ko na din ang ilang buwan ko nang inaayos na kanta. At mukhang handa naman na ito para sa talent show. Dalawang araw na lang bago mangyari ang nasabing show pero hindi padin talaga ako sigurado kung itutuloy ko nga ang pagkanta.

“Pero, at least, may kanta na ako kung sakali”, muling bulong ko sa sarili ko.

Pinunit ko ang draft page mula sa notebook at isinulat ito sa isang malinis na pahina para mas malinis tignan. Pinatong ko ang draft sa lalagyan ng piyesa sa piano para sa mas madaling pagkopya. Patapos na ako nang biglang narinig kong bumukas ang pinto sa likod ng piano room. Hindi ko na nilingon kung sino pa yun. Nagmadali na lamang akong isinara ang notebook ko at tumakbo palabas sa entrance para hindi makasalubong ang kung sino man yun. Huli na nang makita kong naiwan ko ang draft sa piano.

COMING UP STRONG (Chapter 20)

JAPS’ Journal

Ayokong isipin. Hindi ko iisipin. Hindi sasama ang loob ko na lumabas sila ngayong gabi. Kasalanan ko din naman eh. Kung sana sinabi ko kay Rhea na wag ayain si Elmo, hindi ako magkakaganito—-kung anu man tong ‘ganito’ na nararamdaman ko. Pero ano bang karapatan ko pigilan si Rhea sa gusto niya? Or si Elmo? Malay ko ba kung torpe lang si Elmo at naunahan lang talaga siya ni Rhea na magyaya ng date? No, hindi ko iisiping date yung ginagawa nila ngayon. Pero, siyempre date talaga yun. Isang babae at isang lalaki, lumabas magkasama, na silang dalawa lang, for dinner? Tanga lang ang makapagsasabing hindi date yun. Grabe, ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ba ganito mga iniisip ko? Hindi ba dapat masaya ako para sa kaibigan ko? Matagal naging single si Rhea. Siguro panahon na para makahanap naman talaga siya ng boyfriend niya na hindi kasing loko-loko nung nauna niyang naging boyfriend na pinagtaksilan siya? Oo, tama. Masaya ako. Masaya ako para kay Rhea. At kay Elmo na din. Mabuting tao si Rhea. Magiging maganda ang magiging relasyon nilang dalawa. Tama, tama. Masaya na ako uli. Diba?

**************************

“Julie!”

Lumingon ako at nakitang patakbong lumapit sa akin si Rhea. Nag-date sila ni Elmo kagabi. At kung talagang kilala ko ang bestfriend ko tulad ng inaakala ko, sa ngiti pa lang niya at excitement, alam ko kung anong sasabihin niya sa akin. Agad kong ipinilit ang ngiti sa labi ko.

“Uy, hi! Good morning! I’m guessing good nga talaga ang morning mo?”, tukso ko sa kanya.

Namula ang pisngi niya, senyales na tama ako.

Natawa ako at kiniliti siya sa baywang. “Ang harot ng ngiti ha!”

Natawa din siya at pinalo ang kamay ko. “Julie, wag ka nga! Pero, if you must know, yes, very good ang morning ko ngayon. Success ang date kagabi!”, bigkas niya.

Kumirot ang puso ko nang hindi ko man lang ineexpect. Hinayaan ko na lang.

“Aba, at talagang date nga yun? So ano? Will I be expected to be a third wheel from now on?”, tanong ko sakanya. Pilit na pilit ang mga salita ko. Sana hindi niya mahalata.

Umiling siya. “It wasn’t that good naman, friend. Not to the point na kami na or anything. But hopefully, it’s a start”, sagot niya.

Ngumiti ako at tumango. Pero hindi ako nagsalita.

“Sure ka, ok lang sayo yung ganito? I mean, you met Elmo first…”

“No, no, no, ano ka ba? Sus, si Elmo? Elmo and I are just friends. Walang kahit anong feelings between us and I doubt na magkakaroon ng kahti anong feelings…”


“Hi, Moe!”, biglang tugon ni Rhea.

Lumingon ako at nakitang nasa likuran na pala namin si Elmo. Tahimik lang siya. Hindi sadyang napatingin ako sa mata niya at nakitang nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mabasa ang expression na naroon. Para bang pinaghalong surprise at… lungkot? O baka naman mali lang ang basa ko. Gayunpaman, nawala na din ang expression na yun at napalitan ng ngiti.

“Hi! Hatid ko na kayo sa first class niyo”, bati niya sa aming dalawa.

Napalunok ako. Bigla ko naramdaman na ayokong makasama silang pareho ngayon. Hindi ko alam bakit, pero basta ayoko.

“Uhm, hatid mo na lang si Rhea, Moe. May dadaanan pa kasi ako. See you!”, mabilis kong sambit.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nilang dalawa. Basta umalis na lang ako at hindi na lumingon pa. Dahil bigla kong na-realize na ayaw ko silang kasama dahil ayaw kong marinig na pag-usapan nila ang date nila kagabi. Dahil bigla kong na-realize nab aka nagseselos pala ako.

*******************

“Cause I was born to tell you I love you…”

Walang tao sa piano room nang mapadaan ako papunta sa cafeteria para sa lunch period kaya minabuti ko nang doon maglagi. Alam kong malamang ay hinahanap ako nila Elmo at Rhea pero, ayoko muna talaga silang makasama. At least binibigyan ko sila ng chance na ituloy ang date nila kagabi. Alam ko masama ang ginagawa ko, na kung nagseselos ako eh dapat sabihin ko sa kanila… pero hindi ko alam paano at ano ang sasabihin kaya’t tatahimik na muna ako.

“And I am torn to do what I have to. To make you mine, stay with me tonight…”, patuloy kong pagkanta nang biglang nagbukas ang pinto ng piano room. Napatigil ako at lumingon.

“Moe?”, tangi kong nasambit.

Nagulat din si Elmo nang makita niya ako.

“Ju—-Julie? Anong ginagawa mo dito?”, tanong niya, na para bang hindi ako dapat nandun.

Natawa ako dito.

“Kung makatanong ka naman, parang may masama akong ginagawa”, tukso ko.

Napangiti na lamang siya.

“Hindi naman sa ganun”, sagot niya.

Saglit siyang tumingin sa akin, tila nag-aalangan. Ngunit nang magtagal, dahan-dahan din siyang lumapit sa akin. Ibinaba niya ang bag niya sa sahig, at tumabi sa akin sa maliit na stool sa harap ng piano.

“Bakit mo kami iniiwasan ni Rhea?”, tanong niya bigla.

Hindi ako nakasagot. Hinarap ko ang piano at tinugtog ang kanina ko pang tinutugtog na kanta.

“Cause I was born to tell you I love you…”, biglang kanta ni Elmo.

Napatigil ako sa pagtugtog. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Alam mo tong kantang to?”

Tumango siya at itinuloy ang kanta. “Oo, naman.”

Tahimik kami pareho habang tumutugtog siya. Nakatingin siya sa piano kaya’t di niya napansin na nakatingin naman ako sa kanya.

Bakit ko nga ba kayo iniiwasan, Elmo? Sasabihin ko ba sayo ang totoo na nagseselos ako? Pero siyempre, hindi ko gagawin yun. Alang-alang sa pagkakaibigan natin.

“Bagay kayo ni Rhea ah. Buti naman at napansin niyo nang dalawa yun”. Ang tanging kaya kong gawin sa ngayon ay ibaling ang atensyon sa kanilang dalawa at sa malamang na nalalapit nilang pagiging magboyfriend at girlfriend.

“Hmmm…”, ang tangi niyang sagot.

Natawa ako. “Aminin mo na kasi… matagal ka nang may gusto sa kanya, no?”

“Hindi ah”, mabilis niyang sagot habang patuloy padin na tumutugtog.

“Hay nako, kung titigan mo kaya siya, sobrang lagkit”, pilit ko. Hindi ko alam anong gusto kong marinig mula kay Elmo. At hindi ko din talaga alam kung bakit ko siya pinipilit na umamin.

“Hindi nga, Julie. Wala nga akong gusto kay Rhea”, tila naiirita na niyang sagot.

“Asus! Pero nag-date kayo kagabi? Ano kaya yun…”

Bigla siyang tumigil sa pagtugtog at humarap sa akin. “Bakit mo ba ipinipilit na may gusto ako kay Rhea?”

“Eh meron naman kasi talaga ah…”

“Bakit ba mas marunong ka pa sa akin pagdating sa nararamdaman ko?”

“Moe… hindi naman sa ganun…”, nagulat akong nagagalit na si Elmo sa akin.

“Kagabi? Bakit kami nag-date? Kasi niyaya ako ni Rhea. Ayoko namang tanggihan siya. Kaibigan ko siya, ayokong masaktan yung feelings niya. Pero wala akong gusto sa kanya”, kalmadong sagot niya sa akin.

Dapat sana, sa puntong ito ay tumigil na ako sa kakakulit kay Elmo. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

“Weh? Eh nung nasa library nga eh, titig na titig ka sakanya. Nahiya ka pa nung nahuli kita…”

Biglang tumayo si Elmo at nakita ko ang galit sa mukha niya. Pinulot niya ang bag niya mula sa sahig at nag-astang aalis na nang nag-iwan pa siya ng huling mensahe sa akin bago tuluyang lumabas.

“Julie, wag mo ngang ipagpilitang may gusto ako kay Rhea. Nung araw na yun sa library, nung nakita mong tinititigan ko siya, cover ko yun dahil sayo ako nakatitig at mas gusto ko pang mahuli mong sa kanya ako nakatitig kaysa sayo. Dahil hindi ko pa masabi sayo nun… na ikaw, Julie, ikaw ang tinititigan ko. Na ikaw ang gusto ko. Oo, may gusto ako sayo. Pero dahil mukhang ipinapamigay mo naman ako kay Rhea, malamang wala kang gusto sa akin. Kaya hayaan mo na, magpanggap tayong hindi ko sinabi itong lahat sayo. Balik na tayo sa pagiging magkaibigan. Yun lang naman ako sayo.”

Ang tanging nagawa ko na lang ay panoorin siyang umalis.

Sincerely (One Shot)

It was never about just the two of us. The moment we were paired, it was all about the shows, the promotions, the production numbers, the supporters, the issues…the love team.

Team. Yes, we were always a team. Always there to support the other. When one of us has a project, the other one is there to lend a helping hand wherever needed, to give assistance wherever possible, to offer a physical presence.

Yes, we were always a team. Always a team. Just a team. Just friends. Nothing more. That’s what we always say. We lived by that rule. I lived by that rule. Keep everything professional. Don’t cross the line. Don’t ruin the relationship.

A line from the movie ‘The Art of Getting By’ comes to mind now: “You’re my only true friend. Let’s not ruin it”.

I’m not sure when everything changed. I didn’t even recognize it. If there was anything to recognize, that is. For all I know, nothing changed. Maybe it was all just brewing under the surface. Untouched. Unexplored. Out of fear? I don’t know. All I know is, something changed, or else the undercurrent has pushed out the existing feelings and it broke through the surface. Touched. Explored. And I am very much aware of it. Consumed by it, day and night.

The problem is, does my partner know? Does she have feelings breaking through the surface, too? Does she feel the change going on inside of me? Or am I the only one who has it?

I’ve started seeing her in a different light. It was as if, before today, the light around her was blurry, smudging her from my view, like I was looking at her through a glass covered in raindrops, or through a fog. I had always known she was there, on the other side of the glass, amidst the fog, that she exists, but that had been all. She existed. She was my partner. My friend. My tandem. Never anything else. Simply an existence.

But now… Now, it’s different. It’s as if someone had finally cleared away the fog, wiped the glass clean, so that I see her all too clearly. Her brilliant smile. Her shining eyes. Her womanly form, even though she is only just turning 19, like me. She is there, in front of me. Not only existing, but being amazing at existing, if there is even such a thing. But yes, that’s the closest thing I can ever be to describing what’s happening to me right now.

It’s as if, overnight, she became the only thing that mattered, the only thing that’s important. Oh sure, work and school are important. And family. Of course. But outside of my self, outside of my walls, outside of my boundaries, outside of my personality, she is the one and only thing that ever really matters. That everything else could cease to exist… just not her.

If she disappears, I have come to believe that the world will mourn. The sun will continue to shine, the stars will continue to twinkle, the seasons will continue to change, but only dully, only out of obligation to the unfortunate people who have not met her, yet. Have not encountered her beauty and her grace. For the lucky ones, like me, who have been introduced to her, the world will stop revolving and life will stop, will be at a standstill.

I don’t even realize, or don’t really mind, how ‘cheesy’ my thoughts about her have become lately. The random compliments that my mind blurts out about her are too much of understatements to truly describe her.

She has a different kind of impact on people, on life, in general. Words can never grasp her essence. To truly know anything about her, you have to actually know her, personally. To feel her presence, to hear her musical laughter, to watch her animated facial expressions.

She is both easy to read and complicated. I’m not sure if it’s even possible to be both. But she is. You can immediately sense if she is happy or sad. Her happiness is contagious, and her sadness can suck the life out of you and make you want to hold her and reassure her that everything will be alright. But she is also a private person who doesn’t let anybody in that easily. Which is why I feel lucky to be one of the few she trusts in this world.

She is also both fragile and strong. She keeps on referring to herself as ‘Macho’ which is quite adorable. She puts on such a strong façade for her supporters and gives every energy she can muster to pleasing them, even in times when I know that all she really wants to do is lie down and sleep from all the stress she’s experiencing from the countless mall tours, shows, rehearsals and school stuff. But she always pushes on, always going the extra mile for the people that she says she owes her career to. She knows that without her supporters, she wouldn’t be receiving all the blessings she is receiving. She gives back as much as she can, not leaving anything for herself. She gives her whole being.

She is generous. I cannot stress this enough. Even when she was still a blurred image to me, a mere existence, I have always known this fact about her. This has always been her most obvious character right off the bat. She gives. And gives. And gives some more.

All these traits, and more, I’ve learned to like about her. Who wouldn’t? And she knows, of course. She knows how much I appreciate her. How much I appreciate the relationship we have. The friendship we have.

But who am I kidding, really? I love her. There. That’s the first time I’ve admitted that to myself.

I love her. A line from the Delirium book series comes to mind now: “Love: it kills you both when you have it and when you don’t.”

I love her so much that it’s hurting me. It’s hurting me that I cannot tell her. She will never see this letter I made about her. I will have to burn this to keep the secret.

I love her. Deeply. And she will probably never know. Not as long as we live by that rule: That we are professionals. We want to keep things professional.

I love her and I can’t even do anything about it. And it’s killing me. And I cry because of it, but I keep it in the privacy of my mind, in the confines of my heart. It consumes me, day and night.

I love her. This is the only thing that I am very certain about. The thing that makes me both sane and insane. If that’s even possible.

I seriously love her. I love her. I love her.

But she wants to put our career first. She said so herself. So I’m doing the same thing. Respecting her priorities. I don’t want to overwhelm her. I don’t want to be a reason for her to rearrange her life plans. Because I love her.

I love her. I hope she can hear me now, can hear me whisper into this letter:

Julie Anne, I love you.

 

Sincerely,

Elmo

COMING UP STRONG (CHAPTER 19)

EMAM’s JOURNAL

Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Ilang buwan ko na bang kaibigan si Julie? Akala ko kilala ko na siya. Yun pala, nasosorpresa pa din niya ako. Akala ko, these past few days, kaya siya naiilang pag magkasama kami ni Rhea eh dahil nagseselos siya. Pero natural, ilusyon ko lang pala yun. Kasi akalain mong siya pa pala ang nag-suggest kay Rhea na lumabas kami? Baka kaya niya ako iniloloko kay Rhea kasi gusto niya kaming iset-up dalawa. Kailangan ko talaga laging ipaalala sa sarili kong hanggang pangarap ko na lang si Julie. Kasi hindi ako ang tipo ng lalaking magugustuhan niya. Tonight was just another reminder of that fact. Nakakalungkot.

*********************

“Moe!”, pasigaw na tawag sa akin ni Rhea sa labas ng classroom pagkatapos ng huling period ng araw na yun. Malaki ang ngiti niya sa labi, at napangiti na din ako kahit di ko naman alam ang dahilan. Nakakahawa ang ngiti ng babaeng to. Buti na lang naging kaibigan ko sila ni Julie. Nakakahawa ang kasiyahan nilang dalawa lagi.

“O, Rhea! Tapos na din klase mo?”, tanong ko.

Tumango siya at sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan at palabas ng building kasabay ng ibang mga estudyante. Tahimik lang kami. Hindi ko naman yun iniinda. Sa sobrang sanay at komportable na naming sa isa’t isa, kahit di na kami mag-usap, ayos lang.

Pagdating namin sa labas ng building, hinila ako ni Rhea papunta sa isang table na walang masyadong tao.

“Labas naman tayo mamayang gabi. May lakad ka ba? O gagawin?”, tanong niya.

Uy! Lalabas kami nila Julie? Nice! Makakasama ko na naman siya. Balak ko sanang ituloy yung kantang ginagawa ko, matagal na. Pero makakapaghintay naman yun.

“Sige ba. Saan ba balak?”, tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. “Saan mob a masusuggest?”, balik niya ng tanong sa akin.

Nag-isip ako. Merong isang restaurant na sinabi ni Ate sa akin nung minsan. Japanese. Hindi ko alam kung mahilig si Julie sa Japanese, pero subukan ko na lang dun. Malamang naman, kung hindi gusto ni Julie dun, sasabihin ni Rhea.

“Sa Omakase kaya? Japanese restaurant siya, malapit sa Eastwood”, banggit ko.

Lumaki ang ngiti ni Rhea. “Favorite ko Japanese! Sige, doon na lang. Doon na tayo magkita?”, sagot niya.

Tumango ako. “Sige, mga 8 na lang”, sang-ayon ko.

“See you!”, masayang bulalas ni Rhea, sabay kaway at lakad na palayo.

Umuwi akong may ngiti sa mukha, iniisip kung ano ang isusuot ko mamaya sa “date” namin ni Julie. At ni Rhea, pala.

************************

Nang dumating ako sa restaurant, ako pa lang ang nandun. Wala pa si Julie. O si Rhea. Umorder na ako ng mga alam kong sinabi ng Ate ko ay masarap. Siyempre, gusto ko magmukhang may alam ako sa Japanese food. Pero sa totoo lang, first time ko doon.

Maya maya pa, dumating na si Rhea. Kumaway ako para makita niya kung saan ako nakaupo.

“Hi!”, bati niya sa akin, sabay beso.

“Buti hindi ka naman nahirapan hanapin to?”, tanong ko.

Tumango siya. “Alam na kasi to ng Kuya ko. Hinatid lang niya ako”, sagot naman niya.

Ngumiti ako. “Good good”, ang tanging nasabi ko. Narealize ko bigla na nakakaramdam ako ng pagka-awkward. Kaming dalawa lang kasi ni Rhea. Para kaming nagde-date. Napansin kong natahimik din si Rhea. Siya na madalas eh madaldal at makwento.

Dumating ang waiter dala ang pagkain naming at napangiti si Rhea. Ako na din. Kasi, at least, may diversion mula sa nararamdaman kong awkwardness.

“Wow! Umorder ka na pala! Mukhang masarap lahat. Kain na tayo!”, sabi niya, sabay kuha ng chopstick.

Napatingin ako sa kanya. “Tayo lang ba ngayon?”, di ko napigilan na itanong.

Pinagsisihan ko ang tanong ko dahil nakita ko bigla ang tila naiiritang mukha ni Rhea. Pero saglit lang yung expression niyang iyon kaya hindi ko rin masabi kung nakita ko ba talaga yun o baka namalik-mata lang ako.

“Oo, noh. Kala mo ba tayong tatlo nila Julie?”, tanong niya sa akin.

Kahit pa hindi ako sigurado kung nairita talaga siya sa tanong ko o hindi, nagpadahan-dahan na lang ako sa pagsagot ng tanong niya.

“Eh, oo kasi siyempre nasanay akong tayong tatlo yung lumalabas”, sagot ko. Totoo naman eh.

Ngumiti siya at umiling. “Actually, alam ni Julie na lalabas tayong dalawa ngayon. Inencourage pa nga niya ako eh. Para mas magkakilala pa tayo. Kasi kayong dalawa ni Julie, magkakilala na diba?”, sagot niya sa akin.

May masamang kutob ako sa gusto niyang maging mas magkakilala kami. Parang pakiramdam ko, hindi lang bilang magkaibigan ang gusto niya. O posibleng nagfi-feeling lang ako.

Pero teka…

“Si Julie ang nagsabing lumabas tayong dalawa?”, tanong ko.

Nadistract ako bigla at para bang nanghina. Kung approve kay Julie ang paglabas naming dalawa ni Rhea, ibig sabihin… walang kahit anong nararamdaman si Julie para sa akin. Kahit konti. Dahil pumayag siyang lumabas ako kasama ang ibang babae, na kaming dalawa lang. Oo, sige, hindi naman sa ibang babae si Rhea kasi kaibigan naman naming siya. Pero hindi kami close gaano ni Rhea, tulad ng pagiging close naming ni Julie. Hindi kami ganun ka-close para magkaroon ng labas na kaming dalawa lang. Wala man lang bang kahit konting selos or pagiging possessive si Julie tungkol sa akin? Sa bagay, sino ba kasi nagsabing may nararamdaman na siya para sa akin. In-assume ko lang kasing… ayoko na lang isipin. Tumingin ako kay Rhea. Tsaka ko napansin na nagsasalita pala siya habang nag-iisip ako. At hindi ko narinig ang sinabi niya.

“Kung gusto mo, pwede natin tawagan na lang si Julie para maging komportable ka”, sambit niya. Dito, hindi ko na maikakailang meron na talagang bahid ng pagkairita. At ayoko din naman maging bastos.

Umiling ako. “Hindi sa ganun. Nagulat lang naman ako. Pero ayos to, para nga mas makilala pa natin isa’t isa”, sagot ko, at pilit akong ngumiti.

Ngumiti na din siya. “I thought so. Hindi naman kailangan tawagin itong date agad eh. Basta lumabas lang tayo. Hang out, ganun”, sambit niya.

Tumango ako. “Oo naman.”

Pero sa loob loob ko, nalulungkot pa rin ako sa realization ko. At naiinis. Bakit bigla na lang ako sinalang ni Julie sa ganito? Bakit di nalang niya muna ako kinausap? Ganun ba ako ka-mali sa inakala kong pagiging close naming? Di ba kung talagang kilala niya ako o kaibigan niya ako, sana man lang eh binigyan niya ako ng heads up na may mangyayaring ganito? Labo naman, Julie, eh. 

Tonight (One Shot)

“Anong nangyari kanina?”

That was his text to me that afternoon. And I didn’t know how to respond.

“Anong anong nangyari? Ha?”

That was all I was able to say because I didn’t really know what he was asking.

“Labas tayo mayang gabi, pwede? Kahit dinner lang. Tagal na natin di nakalabas.”

In his own way, he was telling me he misses me. That’s Elmo for you. He never said it outright. But if, like me, you’ve known him for so long, know his quirks, his antics, you would understand what his words implied. I missed him, too, of course.

“Paalam ako kila mama. Saan magkita?”

And just like that, we made plans to meet up. We’ve been friends for so long that I knew my parents wouldn’t really mind me going out for dinner with him tonight. Still, I didn’t want to confirm to him and end up cancelling. I’d have to make sure before I said yes.

“Sunduin na lang kita. Text mo ko pag pwede na. Kahit mga 7, pwede yun?”

It seemed like a good plan.

“Sige, sabihan kita by then. See you, Moe!”

Elmo and I have had our ups and downs. That happens when you’ve been friends for as long as we have. People think we’ve only been friends for two years, the duration of our JuliElmo tandem. But the truth is, we’ve been friends even before we were even paired up. It was the kind of friendship that just happened. No catalyst, no coercing. Just like that.

“Ano yung text mo kanina pala?”, I finally asked him after dinner.

As I expected, my parents allowed me to go out for dinner with Elmo. We had dinner at his family home because his sisters came home tonight from their birthday weekend and the family got together for a post-birthday dinner.

Now, we were lying on top of his car hood, looking up at the night sky while parked somewhere near their Antipolo home. The place was lit only by a single street light a few meters away, throwing us in shadow, which meant the stars’ lights weren’t overpowered by commercial lighting. We could see them clearly. And they were magnificent.

I felt him silently shrug beside me and I knew what that meant: he wanted to talk about it but don’t necessarily want to talk about it. I know it’s weird but…well, it means he doesn’t want to bring it up because it’s either he’s embarrassed by it or he doesn’t know how to handle it.

I sat up and poked at his ribs, which made him sit up, too.

“Oy, anu ba, Julie”, he complained, facing me.

We looked at each other and I could see the conflict in his eyes.

“Ano ba yun, Moe?”, I asked again.

He bit his lip. A sign that he didn’t know how to bring up what he wanted to bring up. What was wrong with him tonight?

I was about to ask again when he finally spoke.

“Yung spot mo kanina, bakit ganun? Anong nangyari?”, he finally said.

I frowned. My spot? In Party Pilipinas earlier? What was wrong with it? I suddenly felt anxious.

“Nagkamali ba ako nang di ko alam? Sintonado?”, I asked with agitation.

He chuckled and shook his head.

“Niloloko mo ba ako? Ikaw, sintonado? So ano ako? Tumutula na lang, ganun?”, he joked.

I raised my eyebrow at him and crossed my arms in front of me.

“Diretsahin mo kasi, pinapakaba mo ako eh”, I chided.

He took a deep breath.

“Bakit andun si Alden?”

That took me by surprise. Alden? His problem was Alden being in my spot? What was wrong with that?

“Anong masama dun? Eh sinubukan lang naman ni Direk”, I explained.

He shrugged and looked away, looked towards the view of the city in front of us.

“Sinubukan ang ano? DenLie na naman?”, he asked. Somehow, his voice was approaching a rather bitter tone.

“O ano naman? Ikaw naman, diba pumayag na tayong tumambal muna sa iba? Kasi lumalaki na masyado yung issues sa tandem natin?”.

We’d talked about this weeks ago. This was why we haven’t had solo productions numbers anymore, because we were trying to do damage control on the issues surrounding our love team. We didn’t like the controversies coming out. We agreed to lie low for a while. But only as a love team, of course. We were still friends, no matter what happened.

“Pero iba pala pakiramdam…”, he trailed off.

I couldn’t understand what he was saying.

“Anong iba? Anong pakiramdam?”, I asked.

I cupped his chin and forced him to look at me. He frowned. I knew he hated it when I did this, but I wanted to talk to him face to face and he was making that hard right now.

“Elmo, anong inaarte mo naman dyan? Diba nga, kailangan muna natin pahupain yung issue sa girlfriend mo—-“

“Di ko siya girlfriend, Julie, ano ba”, he cut me off, looking away again. His voice was slowly approaching sinister. I was surprised.

“Ha? Di mo naman kelangan itago sakin—-“

“Di ko siya girlfriend”, he repeated, this time with more emphasis. Aggressively, one would even say.

That silenced me. Despite us being friends for a long time, we don’t dwell on each other’s love life. It was just an aspect of our life that we agreed not to discuss. Come to think of it, we never really verbally agreed not to discuss our love life with each other. It was just, sort of, implied. This was actually the first time I addressed his girlfriend, which he apparently doesn’t acknowledge as such. Still, it may only be because he wanted to be discreet about it. But I wanted him to know I accept every part of him, even his choice in women.

“Imposible naman ata eh lagi naman kayong nagde-date—-“

“Yun na nga yun. ‘Dating’ lang kami. Hindi ko siya girlfriend”, he said.

“Oh. Eh bakit pa tayo pumayag magpatambal sa iba? Kung wala naman palang issue na kelangan ayusin?”, I asked, frowning.

He shrugged.

“Sinunod ko lang desisyon mo. Ikaw nauna nagsabi nun diba? Na hinto muna kasi may issues? Kaya pumayag na din ako.”

That caught me off guard.

“Pero… pero ano… pero kaya ko lang naman nasabi yung issues dahil sa inyo ni—-“

“Eh kung wala ngang issue samin, pwede na ba uli ituloy yung love team natin?”, he asked. His voice was now approaching something close to pleading.

That caught me off guard, too. What was really the issue again? Alden in my spot earlier. I still didn’t understand why he was acting this way because of that. I do have a nagging suspicion, but it was an unlikely reason seeing as we were best friends…

“Tapatin mo nga muna ako… bakit ka ba apektado sa DenLie masyado?”, I asked point blank.

He was silent for a few moments and I didn’t interrupt his thoughts. Instead, I patiently waited for him to respond.

“Alam mo ba bakit ko siya dine-date?”, he asked me.

It was off topic, but I conceded.

“Malamang kasi gusto mo siya”, I replied, chuckling.

What else would it be?

“Kasi gusto ng mga ate ko sa kanya para sakin”, he admitted.

This was the first time I heard this.

“O? Eh pero siguro naman gusto mo din naman siya”, I prodded. I knew I was being stubborn and breaking the unwritten rule between us about not discussing love life, but I didn’t really know what else to say.

He shrugged again.

“Ayos lang. Okay naman siya”, he said. He sighed. “Pero asdjkfhkla.”

At least, that’s how I heard it. He mumbled at the end there and I didn’t understand what he said.

“Ano?”, I asked, a little too loudly.

He looked at me. Sad eyes. Why did he have sad eyes?

“Sabi ko, ‘Pero hindi siya ikaw’”, he said, looking away again.

I was speechless. What did he mean? Why was he being so vague?

“Tapos? Ayaw mo ba sakanya?”, I asked.

My sentences weren’t related but thoughts were running around in my head faster than my brain could catch up and process them. There was really no time to be coherent with words.

“Di ka ba nakikinig? Sabi ko okay lang siya. Pero hindi siya ikaw”, he blurted out, this time looking me straight in the eyes.

And now it was my turn to look away because his stare was just too intense, I swear it would’ve made my heart jump from my chest to my throat. Now I understood what was happening to him. He was jealous of Alden. He didn’t like that girl as much as I thought he did.

“Pero bakit binabalikan mo padin siya?”, I asked. I didn’t mean for my voice to sound condescending. But it did, anyway.

He banged his fist on the hood of the car and it made me jump.

“Uy, ano ba”, I scolded.

“Julie, anong klaseng tanong yan? Bakit ko siya binabalikan?”, he asked, staring at me. Angry eyes, this time. Angry, but sad. I don’t know how it worked, but that was how I read his expression.

I didn’t respond.

He folded his arms in front of him and stared at his lap. He licked his lips and took a deep breath, as if what he was about to say was draining him of his last remaining energy. And maybe it was. I wouldn’t know. His mind was always such a mystery to me, the thoughts running through his head.

“Pinagbibigyan ko lang ang mga kapatid ko. Wala naman kasi akong mairarason kung bakit hindi ako papayag na subukan i-date siya diba? Best friend nila siya. Natural, gusto nila malapit siya sa pamilya. Ako yung ka-edad niya. Since wala naman daw ako dine-date ngayon, bakit di ko daw subukan siya. Baka sakali daw magkatuluyan kami. Pero siyempre alam kong hind mangyayari yun.”

I nodded and bit my lip. How was I supposed to process that information? He was with her because of his sisters. He didn’t want to, but they asked him to try. And try he did.

“Bakit naman di mo subukan sa ibang babae kung di ka naman masaya?”, I encouraged him. Somehow, I know this statement will just frustrate him. And it did. I heard him groan.

“Kasi hindi ka pa pwede diba?”, he answered. Calm and controlled tone of voice. For once, I didn’t know what that tone of voice meant.

I was spared the necessity of responding as he continued speaking.

“Ayokong subukan sa iba kasi hinihintay kita. Kasi hindi ka pa pwedeng mahalin. Hindi pa panahon. Hindi pa natin panahon”, he told me, briefly making eye contact then slowly turning away and lying down on the hood again.

I just sat there, not knowing what to say. What do you do when your best friend just indirectly admitted that he loved you? I looked down at him. His eyes were closed. I could hear him breathing heavily. He was tired. I couldn’t blame him.

Without knowing why I was going to do what I was about to do, I leaned down and gave him a peck on the cheek. His eyes flew open and he stared at me as our faces were a few inches away. I sat back up but he kept on staring at me with questioning eyes.

“Hindi pa natin panahon…pero darating din tayo dun kung maantay mo”, I finally said.

This made him sit up and stare at me. I saw the slow transformation of his facial expression go from shock to confusion to happiness. It happened so fast, I didn’t really know how I was able to keep up with it.

“Ilang taon na akong naghihintay, Julie…ano ba naman yung ilang taon pa”, he said, smiling at me. Smiling eyes. No more sad or angry eyes, this time. His eyes were smiling. And it made me feel warm that I’m the reason for that.

We sat in silence for a while. I was the one to break it.

“Nagsisisi ka ba, Elmo?”, I asked. It was a vague question, I know. But I felt shy to continue. I was still warming up to the idea of my bestfriend being in love with me.

“Hmm? Nagsisisi sa ano?”, he asked, turning to me. I could only see him from my peripheral vision. I couldn’t bring myself to stare him in the eyes. Like I said, I felt shy.

“Na minamahal mo ang isang taong hindi pa pwedeng mahalin, tulad ng sabi mo? Na ang napili mong mahalin eh paghihintayin ka pa?”

I heard him sigh, then chuckle. He took one of my hands in one of his. And even though I don’t turn my head to look at him, I could feel his eyes on me. It made me blush.

“Hindi ko pagsisisihan ang pagpili sayo. Ang tunay na pagmamahalan eh pinaghihirapan, pinagtatrabahuhan, hindi perpekto, pero masaya. Ikaw ang nakakapagpasaya sa akin. At kung kailangan kong paghirapan ang pagmamahal ko para sayo, tama lang yun. Walang kailangan pagsisihan. Sabi mo nga darating din tayo dun. At pag nangyari yun, lahat ng pinaghirapan, lahat ng trinabaho ay magiging maliit na bagay na lang. I’d rather wait a long time for the best imperfect love than settle for an over-the-counter pseudo-perfect one”, he replied.

And at that moment, I knew he was right. We were both gonna have to wait for the right time. But it’ll be magical when we get there.

We sat there for a long time, just looking up at the stars, the way we started tonight. Everything looked exactly the same, but nothing really was. Tonight was the start of something. Something huge. Something true. Something wonderful.

kayeekulit asked: Ate nman eh, paulit-ulit ko ng binabsa yung "Too Late" mo iyak pa rin ako ng iyak. Hahaha. Lalabas ako ng kwarto, maga mata kya nagtataka yung mga kapatid ko. Sabay patugtog pa ng "I'll Be There" ni JA, sino ba nmang hundi maiiyak sa Chapter 10 at Epilogue? Hahaha. *cla clap hands down* Ang galing mo Ate :)) HAHA, maiba nman ako, sana matauhan na si Julie at malaman niya na gusto siya ni Elmo sa CUS :p Umaacronym lang. HAHA, keep it up Ate :) Galing mo talaga :)

sorry ang late na ng reply ko haha. di na kasi ako nakakapag-tumblr lately. thank you for re-reading pero wag mo naman paiyakin sarili mo! haha pero minsan try mo naman “both of us” yung patugtugin hihi :P yung sa CUS, dadating din tayo dyan. haha, thank you so much sa matyagang pagbabasa!!

rhose1221 asked: wow, umuulan ng updates (di ako nagrereklamo ha). Isang bagay lang please huwag naman sana magkagusto si Rhea kay Elmo please lang hahaha pwede kasabwat pero yung magkakagusto sya wag na please hahaha masakit yun sa bangs

hihi sorry for the long wait! dami lang talaga pinagkaka-abalahan ngayon. uhm, basta abangan niyo na lang haha! thank you for patiently waiting! :)

trina-japsmoe asked: hi. matagal pa po ba yung part na aamin na si elmo? naaawa ko kay julie eh ska mamaya magkagusto pa si rhea kay moe. Hahaha.

hi, sorry now lang! tagal ko di nagbukas ng tumblr! uhm, secreeeet ahahaha! abangan niyo na lang, thank you sa patience! :)