JULIE & ELMO

"When it's all too much, look at what we've done."

Truth Shall Prevail.: I Hope It's Still Not Late.

THIS PRETTY MUCH SUMS UP EVERYTHING. 

quintessenceoftruths:

First blog. First Post. Nth reaction.

I want it direct to the point. Bosses @joeyabacan, @tracymgarcia, @st_aloysius, @aileenlota @ngjavellana, @monchbravo @simounferrer @dodecruz @rayakin @suzidoctolero, if you think that the transfer of Lauren Young to GMA would not affect the loveteam of…

(Source: )

Sweet Sixteen Thoughts.: AKO NAMAN

myjuellove:

I was already in the middle of a long blog having done four paragraphs but, what the hell? Imma cut to the chase and make this short and succinct.

For the longest time my dear GMA, I have always chosen you.

You over the more commercial, todo-effort and gimmicky ABS CBN. I have always chosen…

Sorpresa (One Shot)

“Eh hindi ko naman alam na ganun yung gagawin mo eh. Sana man lang sinabihan mo ako. Nakakahiya, umiyak pa tuloy ako”, reklamo ni Julie habang naglalakad sila ni Elmo sa likod ng bahay ng mga San Jose.

Umungol si Elmo. “Julie… surprise nga eh. Paano magiging surprise kung alam mo na yung mangyayari?”, sagot naman ng binata. Nafru-frustrate si Elmo. Akala niya matutuwa si Julie sa gagawin niya. Hindi niya inakalang magiging ugat pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan.

Umiling si Julie. “Eh, Moe, alam mo naman ako. Ang ayaw ko sa lahat yung naiiyak ako sa harap ng maraming tao. Kung ikaw lang sana, tapos sila Mama, ayos lang eh. Kasi pamilya ko sila, at parang pamilya na din kita. Kaso kita mo, naiyak pa ako sa harap nila Diva, nila Maqui. Nakakahiya kaya yun”, pilit niyang paunawa sa bestfriend.

Birthday kasi ni Julie noong Huwebes, pero dahil may pasok sila, hindi na naghanda ang dalaga. Hindi niya inexpect na ngayong Sabado eh mayroon pa lang plinano si Elmo na surprise party para sa kanya. Sinundo siya ng kaibigan niya kaninang umaga at, tulad ng nakagawian nila tuwing Sabado, nagpunta sila sa eat-all-you-can breakfast sa clubhouse sa subdivision nila Elmo. Hindi naman siya naghinala ng kahit ano dahil lagi naman talaga nila itong ginagawa. Ikinagulat na lang niya nang, pagdating nila ng tanghali sa bahay nila Julie, eh nandoon lahat ng kaibigan nila, pati mga kamag-anak ni Julie, at maging ilan sa mga kapatid ni Elmo na malapit din sa dalaga. Hindi magkamayaw si Julie sa saya na naramdaman sa pagdalo ng mga taong iyon sa celebration niya na hindi naman talaga niya inexpect. Kaya tuloy, sa sobrang tuwa ay naluha ang dalaga. At ito ngayon ang rason kung bakit narito sila ni Elmo sa likod-bahay, nag-uusap.

“Julie, kaibigan ka nila. Hindi naman siguro nila mamasamain ang pagluha mo. OA ka naman, hindi ka naman todo umiyak kaya!”, sambit ni Elmo.

Bumuntong hininga si Julie. “Iba pa din siyempre yung feeling ko. Alam mo naman na ayokong may nakakakita sa weakness ko”, aniya.

Tinitigan ni Elmo si Julie. “Ok, sorry na. Hindi ko naman inexpect yung reaction mo. Ang gusto ko lang talaga eh masurpresa ka. Para kasing wala ka nang balak icelebrate yung 18th birthday mo eh”, sagot ng binata.

Tumango si Julie. “Sige, ayos lang. Sa totoo lang din kasi talaga, hindi ko na plano i-celebrate yung birthday ko. Ayos na sa akin na kasama ko kayo nila Mama”.

Napangiti si Elmo at kinurot ang ilong ng kaibigan. “Sus, ka-sweet naman nito. Kasama talaga ako sa mga gusto mong makasama?”, biro nito.

Natawa si Julie. “Ano pa nga ba, eh kahit naman hindi kita niyayaya, sumusulpot ka padin dito sa bahay”, pagbibiro din niya.

Hinampas siya ng marahan ni Elmo. “Eh di ako na ang kabute. Wala ka naman din magagawa eh. Bestfriend mo ako, you know”, sagot niya.

“I know”, sagot naman ni Julie. Nagtinginan silang dalawa at nagtawanan.

************************

“Ang sweet naman ni Elmo. Talagang nag-effort siyang imbitahan lahat ng mga taong to para sa surprise party mo”, tugon ni Maqui kay Julie habang nakaupo sila sa sofa sa may sala.

Tumango si Julie. “Alam mo naman yang bestfriend ko, laging may kung anu-anong pakulo”, sagot niya.

Napangiti si Maqui. “Seryoso ba talagang bestfriends lang kayo?”, tanong niya.

Tumaas ang kilay ni Julie at natawa. “Anong klaseng tanong naman yan, Maq? Hindi. Hindi kami magbestfriend. Sa sobrang hindi kami magbestfriend, eh bestfriend ang tawagan namin”, sarkastikong sagot niya.

Pinitik ni Maqui ang braso ni Julie. “Hunos dili naman sa sarcasm! Ibig ko lang sabihin, wala bang anything sa inyong dalawa? Diusme naman, Julie, mag-lilimang taon na kayong magbestfriend niyan. Hanggang dun na lang talaga yun?”, tanong niya.

Nakita ni Julie na seryoso ang kaibigan. Umiling ito. “Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari, Maq. Hindi ako hipokrito para sabihing hindi ako nagu-guwapuhan sa mokong na yun. Pero kasi…ngayon talaga, magkaibigan lang kami. Hanggang dun pa lang”, sagot niya.

Tila hindi pa din naniniwala si Maqui sa sagot ni Julie, pero tumango na lamang siya. “Okay, yan ang sabi mo eh. Pero ha…pag kinasal kayo, imbitado pa din kami”, biro niya.

Akma na sanang hahampasin ni Julie si Maqui nang biglang dumating si Elmo. “Kasal? Sinong ikakasal? Si Julie?”, tanong niya. Tumingin siya sa kaibigan. “Ikakasal ka na, di ko pa nakikilala yung lalaki?”, biro niya.

Umiling si Julie at tinitigan ng masama si Elmo. Nilingon din niya at tinignan ng masama si Maqui na naririnig niyang tumatawa. “Magsama kayong dalawa. Pinagdiskitahan niyo pa ako”, nayayamot na sambit niya.

Natawa na din si Elmo at tumingin it okay Maqui. “Ano ba kasing ginawa mo dito sa bestfriend ko?”, tanong niya.

Napangiti na lang si Maqui. “Eh…nahihiya ako sabihin sayo”, sagot niya.

Nagtaas ng kilay si Elmo. “Kelan ka pa tinubuan ng hiya para sa akin?”, tanong niya.

“Kani-kanina lang”, natatawang sagot ni Maqui.

“Feeling niya kasi more than bestfriends daw tayo”, sabat ni Julie.

Natawa si Elmo at lumingon kay Julie. “Ikaw kausap ko?”, biro niya.

Tinaasan ni Julie ng kilay si Elmo, at biglaan na lang nag-walk out.

“Lagot ka”, sambit ni Maqui.

Sinundan ng tingin ni Elmo ang palayo nang si Julie at kumunot ang kanyang noo.

***************

“Bestfriend?”, dahan-dahan na tanong ni Elmo habang binubuksan ang pinto sa kwarto ni Julie.

“Ngayon bestfriend mo ako? Kanina, kung makapambara ka…”, naiinis na sagot mula sa loob ng kwarto.

Sumilip si Elmo at nakitang nakaupo si Julie sa kama niya, hawak ang isang scrapbook. Napangiti si Elmo dahil alam niyang yun yung scrapbook na ginawa niya last year para sa birthday ni Julie. Pumasok siya ngunit iniwan na bahagyang nakabukas ang pinto. Kahit pa komportable na ang pamilya ni Julie sa paglagi niya sa kwarto ng dalaga dahil bestfriends naman sila, respeto na lang ni Elmo na iniiwan niyang bukas ang pinto ni Julie para mapanatag din ang mga magulang ng dalaga na wala silang masamang ginagawa.

Lumapit ito kay Julie, pero hindi muna naupo. “Pwede tumabi sayo?”, tanong ni Elmo.

Lumingon si Julie at tinaasan ng kilay si Elmo. “Mambabara ka uli?”, tanong niya.

Ngumiti si Elmo at umupo sa tabi ni Julie. “Di na. Lam mo namang love na love kita eh. Joke lang naman yun”, sagot niya.

Nilipat ni Julie ang pahina sa scrapbook. Tumambad sa kanila ang isang litrato na kinunan noong araw na tinuli si Elmo. Mama ni Elmo ang kumuha nito. Tumatawa si Julie sa picture, habang naiiyak naman si Elmo. Sa ilalim ng litrato, may sinulat na mensahe si Elmo.

“Kahit sa panahon na bawas na bawas ang pagkalalaki ko dahil sa skirt na kinailangan kong isuot pagkatuli sa akin, andun ka para damayan ako. Tumatawa ka, oo, pero dinadamayan pa din ako. Salamat!”

Natawa si Elmo sa nakita niya. “Totoo yan. Malaki pasasalamat ko sayo kasi yung tawa mo nun, parang pang-aliw na din sa akin”, sabi nito.

Ngumiti si Julie. “Sinasabi mo lang yan para sumipsip eh. May kasalanan ka kasi ngayon”, biro niya. Hindi naman talaga niya matitiis ang kaibigan. Hindi talaga nagtatagal ang tampuhan nilang dalawa.

“Uy, hindi ah. Totoo to”, pagtatanggol naman ni Elmo sa sarili.

Lumingon si Julie sa kaibigan at pinitik ito sa ilong. “Oo na, sige na. Pinapatawad na kita!”, sabi niya.

Ngumiti si Elmo. “Salamat ah!”, aniya. Kinuha niya ang scrapbook mula kay Julie at isinara ito. Inilagay niya ito sa kama, sa tabi niya…kung saan naman kinuha niya ang CD na itinago niya sa likuran niya kanina. “Happy birthday, Julie!”, sambit niya. Hinalikan niya sa pisngi ang kaibigan at saka niyakap.

Niyakap din ni Julie si Elmo. “Thank you, Elmo!”, sagot niya. Nang magbitaw sila, kinuha ni Julie ang CD at nagtaas ng kilay. “No scrapbook this year?”, biro niya. Mula kasi nung 15th birthday niya, scrapbook ng isang buong taong kalokohan nilang dalawa ang natatanggap niya mula sa kaibigan.

“Panuorin mo muna yan, pwede? Tsaka ka na magtanong? Atat eh”, biro ni Elmo.

Hinampas ni Julie si Elmo pero tumayo din siya at inilagay ang CD sa player sa ilalim ng TV niya. “Kasama kita manunuod?”, tanong niya sa binata.

“Bawal?”, tanong ni Elmo.

Natawa si Julie at di na lang sumagot. Inumpisahan na niyang i-play ang video sa CD.

Tumambad sa kanya si Elmo, nakaupo sa kama ng binate sa bahay nila. Sa tabi niya ang may isang manila paper na nakatupi at isang kahon. Kumaway si Elmo sa camera.

“Hi, Joleng! Happy birthday! Kelangan ko pa ba sabihin sayo gano kita kamahal? Gano ka kaimportante sa akin? Kung oo, eh di eto: Mahal na mahal kita, Julie! Sagad sagad! Okay na? Okay. So, alam ko ineexpect mo scrapbook kasi ilang taon nang ganun ang binibigay ko sayo. Pero, tinamad kasi ako gumawa eh. *tawa* Joke lang! Video scrapbook na lang ginawa ko!”

Kinuha ng Elmo sa TV ang kahon na katabi niya. Pinanood ni Julie ang pagbubukas ni Elmo sa TV ng kahon at, isa-isa, ihinarap ni Elmo sa camera ang mga litrato nila sa nagdaang taon, kasama ang mga iba’t ibang komentaryo niya tungkol sa mga naganap. Mahaba ang nagging video scrapbook. Napakarami kasi nilang litrato. At sa bawat litrato, nagtatawanan lang sila Elmo at Julie. Nang matapos na ang pagpapakita ng litrato, humarap uli ang Elmo sa TV sa camera.

“Ngayon naman, may dagdag akong regalo…”

Kinuha ng Elmo sa TV ang nakatuping manila paper at binuklat ito. Binasa ni Julie ang nakasulat:

“Happy Birthday, Julie! Mahal na mahal kita ah! Yung part 2 ng gift ko, itanong mo sa Elmo na katabi mo ngayon. Love you!”

Dito na nagtapos ang video. Lumingon si Julie kay Elmo.

“Ha? Anong…?”, naputol ang tanong niya nang makitang may hawak na scrapbook si Elmo, inaabot sa kanya.

Nagtaka si Julie. “Kala ko ba video scrapbook na lang?”, tanong niya.

Hindi nagsalita si Elmo. Pilit pa din inaabot ang scrapbook kay Julie.

Kinuha ni Julie ang scrapbook at binuksan. May isang malaking litrato sa unang pahina. Ito ay yung unang unang litrato nilang dalawa nung mga bata pa sila. Sa ilalim, nakasulat ang mga salitang: “Our story together”. Binuklat ni Julie ang scrapbook pero yun lang ang laman ng buong libro. Napakunot siya ng noo at tinignan si Elmo.

“Ano to?”, tanong niya sa binata.

Ngumiti si Elmo. “Naalala mo yung sinabi ko sa video? Na mahal na mahal kita?”, tanong niya.

Napalunok si Julie. “Ha? Oo naman. Mahal din kita—-”, natigilan si Julie nang senyasan siya ni Elmo na huwag muna magsalita.

Kinuha ni Elmo ang kamay ni Julie. Dahan dahan. Na para bang nag-aalinlangan sa gagawin niya pero hindi pa din natitinag.

“Julie…kung ba yayayain kita lumabas, papayag ka?”, tanong ni Elmo.

Naintindihan naman ni Julie ang ibig sabihin ni Elmo. Pero hindi lang siya makapaniwala kaya naman idinaan na lang niya sa biro. “Lagi naman kaya tayo lumalabas”, sagot niya.

Seryoso ang naging tingin ni Elmo kay Julie. “O sige, i-rephrase ko ha. Julie, kung yayayain ba kitang mag-date, papayag ka?”, tanong niya.

Natigilan na dito si Julie. Hindi niya alam ang isasagot. “Bestfriends tayo diba?”, tanong niya.

Ngumiti si Elmo. “Oo naman. Pero hindi ba pwedeng mag-date ang mag-bestfriend? Alam ko pwede yun eh”, sagot niya.

“Teka, anong kinalaman ng date sa scrapbook na yan?”, tanong ni Julie, indicating ang scrapbook na may iisang litrato lang.

“Binabago mo naman yung usapan eh. Pero sige, sasagutin ko yan. Kung sakaling pumayag ka na makipag-date sa akin, dyan natin ilalagay yung panibagong yugto ng buhay nating dalawa bilang tayo”, walang kurap na sagot ni Elmo. “Ngayon…sinagot ko na yung tanong mo. Baka pwede na ako makakuha ng sagot mula sayo?”, dagdag niya ng nakangiti.

“Ganun na lang? Ganun ka lang magyaya ng date sa babae?”, biro ni Julie.

Umiling si Elmo. “Ganyan lang ako magyaya sa babaeng mahal ko. Ganyan lang ako sa tanging babaeng niyaya ko magdate”, sagot niya. “So…ano?”, dagdag niyang tanong.

“Siyempre, ano pa bang sagot ko sayo lagi kundi oo?”, sagot ni Julie ng nakangiti.

“So, oo na?”, nakangiting tanong uli ni Elmo.

“Pag pinaulit mo pa sa akin, babawiin ko na yung sagot ko”, biro ni Julie.

Hinila ni Elmo si Julie at niyakap. “Uy, walang ganun. Joke lang. I love you! Happy Birthday! Surprise nga pala!”, natatawang sambit ni Elmo.

Natawa si Julie. “Kung maka-surprise ka pala, wagas”, aniya.

“Para sa taong mahal ko? Siyempre!”.

my own lowdown on the lo-down.

This is probably the first time I will blog about JE, despite the fact that I’ve been a fan for months now. Mostly kasi, the things I post in Tumblr are pictures, videos, kalokohang KKTPs and my FFs (naks, feeling FF writer). But right now, with what has been happening, I really think I need to vent out. Paisa lang please (I think naman isa lang magiging blog ko about this issue unless something worse ensues). I just really need to let it all out because it has been consuming my mind for longer than necessary to the point na sa buong commute ko papuntang work kaninang umaga eh ito lang ang iniisip ko. I think I even may have written a mental blog during that time pero, meh, this is gonna be my official blog about it.

If you read it, that’s alright. If you don’t read it, that’s alright. If you don’t agree with me, that’s alright. If you agree with me, that’s alright. If you wanna criticize or bash me, that’s alright. Anything’s alright. Wag lang papatay ng tao. Haha!

DISCLAIMER: Magulo ang utak ko nung sinusulat ko to so kung after niyo itong mabasa eh maguluhan din kayo, aba eh di hawa hawa lang yan :)

Here goes:

I don’t want her to transfer to 7. I really really really really don’t want her to. Ayokong makalapit kahit anino niya sa anino nung dalawang bagets (I really don’t need to mention names at this point. Kung masigasig ka sa Twitter these past few days or even weeks, you know who I’m talking about). And this is not because she was/is linked to HIM and it’s not because she may have been or still is HIS girlfriend. I don’t want her near them because of who she is. 

I have been hearing negative feedback about her and, well, even if I have no firsthand proof, there won’t be smoke where there’s no fire, right? You won’t speak about her that way if she hasn’t done anything to make you think of her that way. 

Take our bebegirl, for example. Before I even met her in person, I’ve always heard positive feedback about her, not just from fellow fans, but also from other random people. Negative feedback? Waley. So, my point is: hindi naman magkakaroon ng balita na masama tungkol sa isang tao kung walang kahit konting pinaghuhugutan eh. And that’s why I don’t want her anywhere near the two. If the rumors are true, then I don’t want her anywhere near our bebegirl, at all. Hindi ko talaga siya gusto, kahit pa wala siyang ginagawang masama sa akin. I have always had good instinct about people, and I’m usually right. And my instict about her is very “off”. But as I think about how much I don’t want her to transfer, naiisip ko din na wala naman sa akin ang desisyon. Nasa management ng 7 yan. If they will take her in or not. 

And, at the end of the day, naiisip ko din: Showbiz nga naman kasi ito. Emphasis on the BIZ. Biz as in business. Business lang itong lahat para sa kanila. No matter what 7’s reason is for taking her, it’s all probably just business, nothing personal. And while I don’t understand what kind of reason they have for doing this, I somehow think I trust them. I think lang naman. I mean, I think they know how important that tandem is to them. Otherwise, no matter how much you guys pleaded for a movie (di pa ako adik nung time na yun) for the two of them, they wouldn’t have given in. So, yes, I think they understand that part of the charm of their network right now is the tandem. So, having said that, I don’t think their reason for taking her in is something that would be destructive to the bagets.

So, why don’t I want her to transfer? Let’s get slightly more personal in the matter. Oo, alam ko fan lang ako at wala na dapat akong pakialam sa personal nilang buhay. Pero maiiwasan ko ba? Kayo? Kahit man lang 1%, hindi ba kayo concerned sa personal lives nila? Only hypocrites would say that they have no interest in the personal lives of their idols. Kahit pa 0.01% lang yung interest mo, andun pa din yun. Interesado ka pa din.

Alam ko naman na hindi siya threat sa tandem kasi the two kids are too talented to be touched by her (I’m not bashing, I’m stating a fact). But…think about it this way: Kung man sakaling naging sila or sila pa din ni bebeboy, hindi kaya magiging awkward para sa mga magbebe natin pag andun siya? Hindi ko sinasabing maaapektuhan yung friendship nila. Pero isipin niyo na lang yung sarili niyo kunyari. Kung kayo ang nasa lugar nung magbebe…hindi ba kayo ma-awkward kahit konti? Ewan ko, think about it.

I also don’t want her to transfer kasi pag nangyari yun, feeling ko mas madaming magiging issues. Her name will constantly be attached to the tandem. Ngayon pa nga lang na hindi pa siya naglilipat-bakod eh naaattach na siya lagi sa pangalan nung dalawa, paano pa kapag nasa iisang bakuran na silang tatlo? Ayoko nun. Gusto ko pag sinabi yung pangalan nung dalawa, sila lang. Walang sumasabit. Walang nakikisakay. walang nahahatak na iba.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung may na-express akong point sa blog na ito or kung wala. Kung mas naguluhan ba kayo sa pinagsasabi ko. Pero yun nga, I just needed to vent out my thoughts.

My final thoughts? I really hope the transfer doesn’t happen. Then again, I really do believe that everything happens for a reason. If in case the transfer does happen, then I’ll just look at it in a different light. If the transfer happens, since wala naman na akong magagawa by that time, then I think I’ll just look at it this way: this will be a test to the loyalty of the fans. Why? Because I think there would be even more BV stuff when the transfer happens. Feeling ko lang naman. And if that happens, dito masusubukan sino yung mga matatag. Sino yung mga patuloy ang paniniwala. Also, this would be a test to how much the tandem has grown closer. Dito natin makikita kung hanggang saan kayang ipagtanggol ni bebeboy si bebegirl kung sakaling may mga masamang maganap. This will test their friendship, the strength of their relationship. This will really show us how far they’ve come and how much they’re willing to defend each other with regards to issues thrown at them.

P.S. Yung kagabi? Bakit ako nakitrend sa #dontrocktheboatforJuliElmo? Kasi, kahit pa hindi ko alam ang buong kwento, inisip ko na lang na malay niyo naman eh may maitulong ang pagttrend natin? Malay niyo pakinggan tayo? Wala naman masama kung susubukan diba? When you really want something, you’ll do what you can to make it happen. Hangga’t may oras. In this case, I was trying to do something so that something I don’t want will not happen. sana hindi too late yung efforts kagabi. Well, kung man matuloy pa din ang lipat, at least alam kong I tried my best na pigilan sa abot ng makakaya ko. Sa way na kaya ko.

Let’s all hope for the best. Believe in the tandem. Believe in their power. Believe in their friendship. JuliElmo all the way!

Ipagpatawad Mo (One Shot)

“Good morning, Elmo”, bati ni Julie Anne habang nginingitian ang nakangiti din na mukha ni Elmo. “Ang ganda naman ng gising ko, ikaw agad ang nakita ko”, dagdag ng dalaga.

Ngumiti si Elmo at tumango. “Ako din eh, masaya ang umagang ito para sakin kasi ikaw ang nakatabi kong matulog. Good morning, mahal ko”, sagot niya.

Bumangon ang dalaga at akma na sanang tatayo mula sa kama ngunit natigilan ito at lumingon uli kay Elmo. Hinaplos niya ang mukhang nakangiti sa kanya. “Maliligo lang ako mahal ko ah. Tapos papasyal sa mall”, sambit niya. Hinalikan niya ang pisngi ng nakangiting mukha pagkatapos ay tuluyan nang tumayo at nagtungo sa banyo.

Si Elmo naman ay naiwan sa kama, nakahiga at hindi maipinta ang ngiti. “Ang sarap talaga pakinggan yung katagang ‘mahal ko’ kapag si Julie ang nagsasabi. Hinding hindi ako magsasawang marinig yun mula sa kanya”, aniya.

Nakahiga pa din si Elmo nang lumabas na ng banyo si Julie Anne. Nilingon ng dalaga ang wala pading patid sa pagngiting mukha ng binata. “Yang ngiti mo ah. Wag kang sisilip, magbibihis muna ako”, natatawang sambit sa kanya ng dalaga.

Natawa din si Elmo habang pinapanuod na pumasok si Julie sa walk-in closet niya. “Ikaw talaga!”, tanging nasabi niya.

Nang matapos nang magbihis si Julie, napangiti na naman siya nang makita ang ngiti ni Elmo sa kanya. Nilapitan niya at hinalikan ang pisngi ng nakangiti padin na binata. “Bababa na ako para kumain. Sunod ka na lang, mahal”, bulong niya dito.

Ngumiti lang si Elmo at tumango. “Sige, Julie. Sunod ako”, sagot naman ng binata.

********************

“Saan mo gusto pumunta ngayon, mahal?”, tanong ni Julie habang kumakain. “Anniversary natin, dapat kumain tayo sa fancy. Minsan lang naman eh”, dagdag niya.

Tinitigan lang ni Elmo si Julie habang kumakain ang dalaga. “Kahit saan, babe. Ikaw na bahala. Alam mo naman na sunod lang ako sa gusto mo”,pabirong sagot nito.

Napangiti si Julie. “Alam ko na! Punta kaya tayo sa Subic? Yung sa Zoobic Adventure? Diba hindi pa tayo pumupunta dun? Maganda daw dun, babe!”, naeexcite na sambit niya.

Natawa si Elmo sa pagkatuwang narinig sa boses ng dalaga. Parang bata talaga minsan si Julie. Pero ayos lang kasi mahal naman niya ito. Tumango lang siya. “Sige lang, babe. Sasama lang ako. Alam mo naman yun”, sagot niya.

Tumango din si Julie. “Tama sige, dun na lang tayo. Naku, bilisan na natin para di tayo gabihin sa daan, mahal”, sambit niya. “Ako na uli magddrive, siyempre”, dagdag niya.

Ngumiti si Elmo. “Your wish is my command, my love”, sagot ng binata.

*******************

“Ang laki naman nung tigre, babe”, bulong ni Julie habang paatras mula sa cage ng malaking hayop. Naroon kasi ang tour nila sa breeding area ng mga tigre at natigilan ang dalaga sa laki ng mga tigre sa lugar.

Tinignan ni Elmo si Julie. “Natatakot ka? Akala ko ba macho ka, mahal?”, pabirong tanong niya.

“Grabe babe, alam kong lagi kong sinasabing macho ako pero di kaya ng muscles ko yan pag nilapa ako”, bulong muli ng dalaga.

Natawa na lang si Elmo at napailing. “Di bale, mahal pa din kita kahit takot ka sa tigre”, biro pa din ni Elmo.

Lumipat na ang tour nila papunta sa lovebirds, at dito naman ay natuwa si Julie. “Pwede ba pakainin yung mga ibon?”. Tanong ni Julie sa tourguide.

Tumango ang tourguide. “Opo, maam. P10 lang po”, sagot sa kanya.

Napangiti si Elmo. “Mahal, pakain ka ng ibon!”, sambit ni Elmo.

Nginitian ni Julie ang tourguid. “Sige po, papakain po ako ng ibon. Pwede pong pakuha kami ng picture?”, pakiusap niya.

Tumango ang tourguide at kinuha ang camera mula kay Julie. Pumwesto na si Julie kasama ang mga ibon at si Elmo naman ay pumwesto sa likod ni Julie.

“1, 2, 3…”, bilang ng tourguide sabay pindot sa camera.

“Salamat po!”, tugon ni Julie habang kinukuha na ang camera mula sa tourguide.

Kalaunan ang natapos na din ang tour at naglakad na pabalik ng sasakyan si Julie, kasunod si Elmo.

“Nag-enjoy ka ba, mahal ko?”, bulong ni Julie pagpasok sa sasakyan.

Napangiti si Elmo. “Kahit saan naman, babe eh. Basta kasama kita, nag-eenjoy ako”, sagot ni Elmo.

Napangiti din si Julie. “Buti na lang hindi umulan. At buti nalang naalala kong gusto mong pumunta dito. At least memorable yung 5th anniversary natin”, sambit ni Julie.

Tumango si Elmo. “Oo nga eh.” Tinitigan ni Elmo si Julie at hindi niya maitago ang ngiti niya. Kahit kelan talaga, kahit anong oras, kahit anong sitwasyon, napapangiti siya ng dalaga.

“Saan kaya tayo kakain?”, biglang tanong ni Julie.

Napaisip si Elmo. “Ikaw bahala, babe”, sagot niya.

Tahimik si Julie habang nag-iisip. “Siguro somewhere na lang dito sa Subic para hindi na tayo malayo masyado…”, tila kausap ng dalaga ang sarili.

“Oo nga, para di ka din gabihin magdrive”, sang-ayon ni Elmo.

Maya maya pa’y tumango si Julie. “Oo, dito na lang sa Subic. Sa Meat Plus nalang. Steak!”, naeexcite na sambit ni Julie.

Umungol si Elmo, na tila nagrereklamo. “Steak? Karne na naman?”, tugon niya.

“Babe, alam ko hindi ka fan ng steak pero pagbigyan mo na ako ha? Minsan lang naman nasa Subic eh!”, pilit ni Julie.

Tumango si Elmo. “Sige na nga. Alam mo naman na hindi kita matitiis eh”, sagot niya.

Ngumiti si Julie at nag-umpisa nang magmaneho papunta sa restaurant.

***************

“Haaay, kapagod tong araw na to!”, sambit ni Julie pagdating sa bahay. Dumiretso ang dalaga sa kuwarto at agad nahiga sa kama.

Tinabihan siya ni Elmo at ngumiti. “Di bale, enjoy naman eh”, sagot niya.

Parehong tumitig sa kisame ang dalawa, tahimik lang. Maya maya pa’y napangiti si Julie.

“Happy anniversary uli, babe!”, biglang sambit niya. Lumingon siya sa nakangiting mukha ng binata…at naiyak. “Sana lang kasi nandito ka pa din”, dagdag niya. Hinaplos niya ang pisngi ni Elmo…ang pisngi ng litratong nakalagay sa mesa sa tabi ng kama niya. Ang litratong araw-araw niyang nililingon sa oras na gumising siya.

“Miss na miss na kita, Elmo”, sambit uli ng dalaga habang humihikbi. Kinuha niya ang litrato ng kanyang pinakamamahal at hinalikan ito, pagkatapos ay niyakap.

Tinitigan siya ni Elmo at nalungkot ang binata. Inabot ni Elmo ang mukha ng kanyang mahal…ngunit hindi niya ito mahawakan. “Pasensya ka na kung hindi mo ako makasama, Julie. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kung kaya ko lang ibalik ang nangyari, ibabalik ko. Kung pwede lang na hindi na ako lumabas nung gabing yun, gagawin ko. Para hindi na ako naaksidente. Para hindi na ako namatay. Para hindi na kita iniwan”, sambit niya. “Julie, mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako at naiwan kita ng hindi sinasadya. Ipagpatawad mo, Julie. Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit na magkaroon ka na ng panibagong boyfriend, hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sa iyo”, dagdag niya.

Tinitigan ni Julie ang litrato ni Elmo at hinaplos ang mukha nito. “Mahal ko, pasensya ka na. ako ang may kasalanan kung bakit ka naaksidente. Kung hindi lang ako nagtampo nung araw na yun. Kung hindi lang ako umalis, eh di sana hindi mo ako hinanap. Eh di sana hindi ka naaksidente. Eh di sana…”, hindi na naituloy pa ni Julie ang sinasabi niya. Tinitigan na lamang niya ang litrato ng lalaking una niyang minahal ng buong puso at hinalikan ito uli. “I love you so much, Elmo. I will forever love you. Happy anniversary, mahal ko”, dagdag niya.

Natulog si Julie na yakap yakap ang litrato ni Elmo. Tinabihan lamang siya ni Elmo at pinanood na matulog ang babaeng una at huling nagpatibok sa puso niya.

“Good night, Julie Anne. Happy anniversary. I love you”, bulong ng binate.

imafan:

Who would have thought na marerealize ang isa sa mga epic reactions ng adiks? Oh well, papel. Literal na gulong ang naganap ladies and gentlemen. Good luck sa manonood later. Sana makalabas pa kayo ng buhay! (c)