JULIE & ELMO

"When it's all too much, look at what we've done."

TOO LATE (Chapter 3)

Pumasok si Elmo sa kwarto ng kanyang ina pagkatapos niya marinig ang tawag ng kuya Frank niya kay Julie. Hindi man lang na nakaisip kumatok si Elmo kaya’t nang nakita siya ni Pia, tinaas niya ang kanyang kilay. “Excuse me, mister. Don’t you knock anymore?”, tanong nito sa anak.

 

Tila ba biglang nagising si Elmo sa tugon ng ina at napatingin ito sa kanya at nahiya. “Oh, sorry, Ma! May iniisip po kasi ako, sorry”, paumanhin nito.

 

Pia smiled gently and nodded. “Sige, ayos lang. Come here. What’s wrong?”, tanong niya.

 

Umupo si Elmo sa kama ng ina at bumuntong-hininga. “Ma… may alam ba si kuya kay Julie na hindi ko alam?”, diretsong tanong nito.

 

Natigilan si Pia at napaisip. Anong ibig sabihin ni Moe? Alam na ba niya ang mga alam namin?, naisip nito. One look at her son told her that Elmo still didn’t know anything. “Anong ibig mong sabihin, anak?”, she asked out loud.

 

Elmo groaned in frustration. “Yun nga, Ma, eh. Hindi ko alam anong ibig ko sabihin kasi wala naman sinasabi si kuya, at di ko naman makausap si Julie. Pero kasi kanina, I heard kuya talking to Julie on the phone and medyo naguguluhan ako sa usapan kasi parang feeling ko may hindi sinasabi sa akin si Julie”, paliwanag ni Elmo.

 

Nanahimik muna si Pia upang makapag-isip ng sasabihin. Kung hindi pa sinasabi ni Julie sa kanya ang lahat, wala akong karapatan pangunahan yung bata. Kelangan sa kanya manggaling lahat ng nangyari, hindi sa kung sino man sa amin na nakakaalam, naisip niya.

 

Napansin ni Elmo na tahimik ang ina. Pinanood niya itong nag-iisip. Hindi kaya may alam din si Mama?, biglang kutob ni Elmo. “Ma? Baka ikaw din may nalalaman”, sambit nito.

 

Pia shook her head immediately. “Hindi ko alam kung anong sinasabi mo anak. Mabuti pa, subukan mo na lang kausapin mismo si Julie kung sa tingin mo may hindi siya sinasabi sayo. Baka kasi kaya din hindi sinasabi sayo ni Frank, kung anu man yun, eh dahil inaantay niyang si Julie ang magsabi sayo, kung meron man dapat sabihin.

 

Napapagod na si Elmo sa kakasabi sa kanya na kausapin niya si Julie. Sinusubukan ko na nga pero iniiwasan niya ako. “Sige, Ma. Saan po ba yung bahay nila?”, tanong nalang nito sa ina.

 

Dun sa third house from the subdivision gate. Pero malamang nasa work yun ngayon, anak”, sagot ni Pia.

 

Tumango si Elmo. “Pahingi na lang po ng address ng work niya. Susubukan ko siyang puntahan”, naiinis nang pagsagot ni Elmo. Hindi niya mapigilan ang sarili. Tila ba may mali sa mga nangyayari ngayon at ayaw ipakausap sa kanya si Julie. Pero hindi naman siya papatinag. Gagawa at gagawa siya ng paraan.

 

Napansin ni Pia ang pagbabago sa tono ng boses ni Elmo ngunit tahimik na lang niyang sinulat ang address ng recording studio ni Julie sa isang papel. Inabot niya ito kay Elmo sabay sabi, “Gamitin mo muna yung kotse ni Kuya Frank mo. Gamit ni Arkin yung akin eh”.

 

Tumango si Elmo at humalik sa kanyang ina. “Thanks, Ma”. Pagkatapos ay dali-dali niyang hinanap ang address na nakasulat sa papel.

 

*****************

 

Nakaupo si Julie Anne sa loob ng maliit na opisina niya sa loob ng recording studio, nakatunganga, nang biglang kumatok ang kanyang assistant. Nilingon niya ito. “Yes?

 

Maam, may naghahanap po sa inyo. For recording daw”, sambit ng kanyang assistant.

 

Kumunot ang noo ni Julie. “May naka-appointment pa ba sa atin today?”, tanong niya. Tapos na ang mga naka-schedule sa kanya magrecord for the day. Sa katunayan, nag-uubos na lang ng oras si Julie Anne ngayon dahil ayaw pa niyang umuwi. Malungkot sa bahay nila simula nung nangyaring insidente. Kaya, hangga’t maaari, hindi siya umuuwi kung alam niyang matagal siyang maglalagi doon mag-isa.

 

Umiling ang assistant. “Wala po, pero nagtatanong po kasi siya kung paano daw magrent nung studio pag gusto magrecord. Binigyan ko na po ng pamphlet natin pero gusto daw kasi niya makausap yung may-ari”.

 

Tumango si Julie at inayos ang sarili. “Sige sige. Papasukin mo na lang. Salamat”.

 

Inayos ni Julie ang kanyang mesa, pinagpatong-patong ang mga papel na nakakalat dito. Isinisilid niya ang ibang mga papeles sa drawer nang maramdaman niyang may pumasok na sa loob ng opisina. Nilingon niya. “Good afternoon, how may I he—-“, natigilan siya nang makita kung sino ang nakatayo sa harapan niya.

 

Hi, Julie”, bati ni Elmo sa kanya.

 

Hindi nakapagsalita si Julie ng ilang minuto. Tanging pagtitig lamang kay Elmo ang nagawa niya. Marami ang tumatakbo sa isipan niya. Bakit siya nandito? Ano bang kailangan niya sa akin? Walong taon siyang nawala, walong taon akong walang narinig sa kanya tapos ngayon bigla na lang siyang susulpot na naman. Hindi ba niya naintindihan yung pinahiwatig ko kanina na busy ako? Out loud, ito ang kanyang nasabi, “Oh, Elmo. Upo ka. Bilisan natin, may lakad pa kasi ako, remember? Ano yun?”. Napakabilis ng pintig ng puso niya dahil sa totoo lang, hindi niya alam anong sasabihin niya kay Elmo. Para bang hindi sila naging close dati.

 

Umupo si Elmo sa sofa katapat ng mesa ni Julie. “May lakad ka ba talaga? Di ba pwedeng usap na lang muna tayo ngayon? Catch-up, ganun”, paki-usap nito kay Julie. Sa totoo lang, ang dapat na sasabihin niya ay “May lakad ka ba talaga? O umiiwas ka lang?” pero ayaw naman niyang akusahan agad si Julie. Baka mas lalo lamang itong lumayo sa kanya.

 

Umiling si Julie. “Sorry, Moe, hindi talaga pwede eh. Promise, next time. Matagal ka pa naman dito diba?”, tanong nito, pilit na ngumingiti sa dating kapartner.

 

Tumango na lang si Elmo. “Oo, for good na ako dito. Di na ako babalik ng Amerika”, sagot niya.

 

Nagulat si Julie Anne sa sagot ni Elmo. “Ha? Eh diba…”, hindi na naituloy ni Julie ang kanyang sinabi. Hindi din naman kasi niya sigurado yung sasabihin niya. Narinig lang niyang usap-usapan na magkasama na daw sa iisang bahay sila Jess at Elmo sa Amerika. Sa katunayan, nabalitaan din niya noon na buntis na daw si Jess at magpapakasal na silang dalawa. Sa ilang beses na bumibisita si Julie sa bahay ng mga Magalona, hindi niya kailanman kinonfirm ang mga balitang yun dahil masyadong personal. Hindi din naman binanggit ito ng pamilya ni Elmo sa kanya.

 

Diba ano?”, tanong ni Elmo, as if challenging Julie na sabihin ang gusto niyang sabihin.

 

Julie bit her lip and sighed. “Kasi Elmo, may mga nababalitaan ako tungkol sayo noon, pero… hindi naman confirmed… so wag na lang natin pag-usapan”, sabi ni Julie.

 

Umiling si Elmo. “Julie naman. Bakit ba kasi ayaw mo akong kausapin? Ang tagal natin hindi nagkita. Ayaw mo man lang ba malaman anong nangyari sa buhay ko? Ako, gusto ko malaman anong nangyari sayo”, bigkas ni Elmo.

 

Natigilan si Julie at napahinga ng malalim. Kasabay ng paghinga niya, pumatak ang kanyang luha. Hindi niya napigilan ang sarili. “Sa tingin mo ganun ako kawalang pakialam sayo? Na ayaw kong malaman ang nangyari sa buhay mo?”, tinanong niya kay Elmo, halata ang naramdaman niyang lungkot sa sinabi ni Elmo.

 

Nagulat si Elmo sa pagpatak ng luha ni Julie. Hindi niya inexpect na ganun ang magiging impact ng sinabi niya kay Julie. Lumapit ito sa dating kapartner at hinawakan ang kamay. “Uy, Julie, sorry. Hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh. Wag ka namang umiyak”, paghingi nito ng paumanhin.

 

Hinawi ni Julie ang kamay ni Elmo. “Alam mo, bago ka kasi magsalita, isipin mo naman yung sinasabi mo. Matagal kang nawala, Elmo, kaya wag mong i-assume na lahat eh pareho pa rin. May mga bagay na nangyari na kapag nalaman mo, baka hindi mo kayanin”, bahagyang galit na pahayag ni Julie.

 

Hindi pinansin ni Elmo ang paghawi ni Julie sa kamay niya. Kinuha pa rin niya ito. Ever since nung magkapartner sila, he had always found comfort in holding Julie’s hand. Akala ng mga fans dati eh scripted ang lahat ng paghawak niya sa kamay ni Julie, pero sa totoo lang, karamihan ng mga holding hands nila noon ay hindi scripted. Ginagawa yun ni Elmo kasi para bang dun siya kumukuha ng lakas ng loob kapag mga performance nila, lalo na kung mahirap yung kanta. Kapag kasi hinahawakan niya ang kamay ni Julie, parang at home na at home siya. Hawak ng isang kaibigan. Hawak ng isang mabuti at matalik na kaibigan. “Tulad ng ano? Anong bagay?”, tanong ni Elmo, concern evident in his eyes.

 

Patuloy pa din ang pagluha ni Julie. Hindi niya kayang itago lahat kay Elmo, kaya nga ba ayaw niya dapat ito makita nang silang dalawa lang dahil kahit noon pa, napakabuting confidante na niya si Elmo. Halos lahat nasasabi nito sa binata. Kaya naman ayaw dapat ni Julie kausapin ito dahil hindi pa siya handa sa pagkukwento. Ngunit heto’t nagpupumilit si Elmo. Hinawakan na naman nito ang kanyang kamay. Ito ang tunay na nakapagpasuko sa resolve ni Julie na wag magsalita. Tumingin siya sa mga mata ni Elmo, patuloy ang kanyang iyak. “Tulad ng panggagahasa sa akin, at pagpatay sa mga magulang ko. Kaya mo bang sikmurain yun, Elmo?”.

  1. japselmolove posted this