Tayo Pa Rin (One Shot)
Note: Dahil kinilig ako sa KathNiel sa GGV, feeling ko ang laki kong taksil sa JuliElmo kaya ginawa ko ito! Haha (guilty post). Na-inspire ako sa kanta ni DJ na “Ako’y Sayo, Ika’y Akin” kasi isa sa mga all-time favorite OPM songs ko yun ever since. So, enjoy! Haha!
“Kuya! Come here, bilis!”, sigaw ni Clara mula sa sala.
Napakunot ako ng noo at binaba ang gitara sa kama ko, sabay tayo at dahan dahan naglakad pa punta sa sala.
“Kuya, faster!”, sigaw niya uli.
One Direction na naman siguro to, o kaya Bieber, naisip niya. Dun lang naman usually kinikilig ang nakababata kong kapatid.
“Kuya!”, natataranta pa rin na sigaw ni Clara.
“I’m coming! Calm down!”, sagot ko habang papalapit sa kanya. Nakita kong nakaupo siya sa harap ng laptop. “Anu ba yun?”, tanong ko.
“Tignan mo!”, sagot niya habang turo sa screen ng laptop.
Tunignan ko ang tinuturo niya. It was an article from PEP. I’d already seen it last night, pero di ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa pagtitig sa headline:
Julie Anne San Jose and non-showbiz boy, rumored to be dating
Tinitigan ko ang picture na kasama sa article. Julie Anne was smiling at the camera beside the boy she was rumored to be dating. Lagi silang nakikita magkasama lately. Minsan ko nang tinanong kay Julie kung boyfriend niya yun. Naalala ko tuloy yung usapan namin.
Kakatapos lang ng Party Pilipinas nun at niyaya ko siya na lumabas.
“Ay sorry, Moe, may lakad ako eh. Next time?”, sagot niya sa akin.
Pilit kong tinago yung disappointment ko. “Ah sure. Sino kasama mo?”, di ko mapigilan na maging curious.
“Si Ben”, ang maikling sagot niya.
Boyfriend na kaya nya yun?, tanong ko sa sarili ko. Sinubukan kong hindi ipahalatang apektado ako sa hinuha ko. Dinaan ko sa biro. “Uuuy, ikaw ah! Kayo na noh?”. Ang hirap sambitin nung mga katagang yun.
Natawa lang si Julie at hinampas ang braso ko. “Baliw ka talaga. Sige na, una na ako. See you!”. Bumeso siya sa akin. Napangiti ako habang pinapanood kong umalis siya. Lately kasi, beso na lang ang nakukuha ko sa kanya. Anim na buwan na simula nung umamin ako sa kanyang may gusto ako. Nung una, maayos kami. Sinusuyo ko siya at di naman niya ako pinapatigil. Actually, sinabihan din naman niya ako noon na gusto din niya ako, pero sa ngayon, studies at work muna. Umoo ako at sinabing willing naman ako maghintay.
“Hindi naman kailangang ngayon maging tayo eh. Hihintayin ko yung panahon na pareho na tayong ready para sumabak sa relationship, wag kang mag-alala”, sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at pinasalamatan ako sa pag-intindi ko.
Pagkatapos, bigla na lang umeksena si Ben. Ang kwento lang sa akin ni Julie, kaibigan daw siya nung isang kaibigan niya sa school. Balik school na din kasi si Julie, parang ako. Simula nung dumating sa eksena si Ben, di na kami nakakalabas ni Julie. Parang lahat na lang ng libreng oras niya, kasama niya yung lalaking yun. Kahit sa taping, minsan, bumibisita siya kaya nawawalan din ako ng chance na lumapit kay Julie.
“Kuya?”, narinig kong tanong ni Clara at nabalik ako sa kasalukuyan.
“Nakita ko na yan kagabi, Clarabells”, sabi ko.
“Nagseselos ka ba, kuya?”, biglang tanong niya. Di ko inexpect.
Pilit na lang akong ngumiti. “Bakit naman ako magseselos? Magkaibigan lang kami ni Julie”, sabi ko sa kanya, sabay pisil sa pisngi niya.
Iniwas niya ang mukha niya sa kamay ko. “Kuya, don’t deny it. Everyone knows about your crush on Ate Julie”. Kelan pa natutong manukso ang kapatid ko?
Kinurot ko uli yung pisngi niya. “Don’t be smart. Crush lang naman yun”, sabi ko.
Umiling lang si Clara at inexit ang article para makabalik sa panunuod ng 1D videos. “If you say so”.
****************
“Hi, Julie!”, bati ko nung dumating ako sa set ng Together Forever kinabukasan. Nakatayo siya sa snack table, kumukuha ng prutas. Tumingin siya sa akin.
“Hi, Moe!”, bati niya ng may ngiti, sabay beso sa akin. Hinatak niya ako sa snack table. “Kuha ka ng food, kain tayo ng breakfast. Sabayan na natin si Ben”, dagdag niya.
Bumagsak ang ngiti ko sa sinabi niya. “Ben?”.
“Yup. Andyan siya”, sabi niya habang nakatingin sa mga pagkain.
Suddenly, I wanted to be somewhere else. Pero hindi pwede. May trabaho ako dito. Kumuha ako ng sandwich at naglakad na kami papunta sa main set.
“Uy, pare, kumusta?”, bati ni Ben sa akin. Tumayo siya mula sa tabi ni Sef at kinamayan ako.
“Uy, andito ka pala. Ayos naman”, sabi ko, sabay upo sa tapat niya. Pinanood kong umupo si Julie sa tabi ni Ben at ngumiti sa akin. Siyempre, masaya naman akong nginitian niya ako. Pero naiinis akong andun na naman si Ben. Ito na nga lang yung mga oras na makakasama ko si Julie, sumabit pa siya.
“Kain tayo, nagutom ako sa biyahe”, imbita ni Julie. Kumagat siya sa mansanas na hawak niya.
“Onga pala”, sabi ni Ben. Nilabas niya ang sandwich mula sa bag niya at nagsimula na din kumain.
Sa totoo lang, wala akong ganang kumain pero kinagatan ko na lang din yung sandwich ko para naman di ako mapaghalataan. Feeling ko naman masarap yung sandwich sa totoong buhay. Pero dahil nga wala ako sa mood, parang lasang papel tuloy. Pinilit ko na lang lunukin.
“Places, everyone!”, biglang nagtawag si Direk. Tumayo kami nila Sef at Julie. Tumayo din si Ben at tumingin kay Julie. “Sige na, una na ako”, sabi niya sabay beso kay Julie. Nakatunganga lang ako, pinapanood silang dalawa.
Niyakap ni Julie si Ben at nagpasalamat sa paghatid sa kanya. “Ingat ka. Text mo ako pag-uwi mo”, paalam niya dito.
Pwede ba akong magselos?, tanong ko sa sarili ko.
******************
“Bakit parang depressed ka diyan?”, tanong ni Mama sa akin pagdating ko ng bahay galing sa taping.
Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa sofa sa sala, nakatitig sa TV pero di naman talaga nanunuod. Iniisip ko padin sila Julie at Ben. Iba na kasi yung galaw nila. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa mga sinabi sa mga article tungkol sa “dating” na yan, kahit na sinabi naman ni Julie na wala talaga. Bakit naman kasi magsisinungaling sa akin si Julie? Alam naman niya ang nararamdaman ko, and I’d like to think na close enough na kami na pwede naman niyang sabihin yung mga ganun na bagay sa akin. “It’s nothing, Ma. Just watching TV”, sagot ko.
Tumabi si Mama sa akin at tumuro sa TV. “Since when do you watch Korean drama, anak?”, tanong niya sa akin sabay tawa. Tumingin ako sa TV at napansin na sa Korean channel ko pala ito nalipat nung nag-zone out ako. Napangiti lang ako kay Mama.
Natawa lang siya sa reaksyon ko, pinatay ang TV at tumingin sa akin. “Come on, tell me”, pilit niya.
Napabuntong-hininga ako at ibinaling ang tingin ko sa ngayo’y nakapatay nang TV namin. Di ko matignan si Mama sa mata. Pakiramdam ko kasi ang babaw ng problema ko. “Si Julie kasi, Ma”, umpisa ko.
“What about her?”, tanong niya.
“Wag na nga po, nakakahiya. Ang babaw ko”, biglang bawi ko.
Ngumiti si Mama at inilagay ang kamay sa pisngi ko. Dahan-dahan niyang inilingon ang mukha ko para tignan siya. “Anak, no problem is mababaw. Tell me”.
Nilakasan ko ang loob ko. Sabagay nga naman, si Mama naman tong kausap ko eh. “Alam mo naman, Ma, na may gusto ako kay Julie diba? And nasabi ko na din yun sa kanya? And sinabi naman niyang gusto din naman niya ako pero work at school muna? And sinabi ko naman na willing ako maghintay?”.
Natawa ng konti si Mama. “Yes to all of those questions. Eh anong problema dun?”, tanong niya.
“Si Ben”, tanging sagot ko. Nakita ko ang realization sa mukha ni Mama. Nababasa din kasi niya ang tungkol kay Ben at kay Julie kasi minsan, nadadawit ako sa article, kasi nga ka-love team ako ni Julie.
“Sila ba?”, tanong ni Mama.
Napakibit-balikat lang ako. “Sabi ni Julie, hindi daw po. Pero kasi, Ma, lagi silang magkasama. After ng PP, lumalabas sila. Hatid-sundo siya ni Ben minsan tapos binibisita pa sa set. Di ba yun kaduda-duda?”, tanong ko.
Kumunot lang ang noo ni Mama habang tinignan ako. “So, what are you gonna do about it?”.
“Ha?”, ang tanging nasabi ko. Hindi ko inexpect na yun yung sasabihin ni Mama. Akala ko papayuhan niya akong mag-lie low muna kasi bata pa kami, at kung anu-ano pang karaniwang payo ng magulang. Pero naalala ko, hindi nga naman karaniwan na magulang si Mama. She trusts us, all of us, na kaya na namin gumawa ng matalinong desisyon pagsampa sa edad ng 18. With her guidance, of course.
“You like her, she likes you, someone’s in the way, sabi mo. Tama ba?”, tanong niya. When she puts it that way, parang napakasimple lang ng problema ko. Tumango ako.
“So, anong plans mo? Just stand in the sidelines?”. Ayan na naman si Mama. Pakiramdam ko tuloy wala akong common sense kasi the way she handles a situation and breaks it down into segments, parang feeling ko dapat nagawa ko din yun without her help. I’m thankful she’s there to guide me, of course.
“Uhm… I can try to win her back”, mahina kong sagot.
Tumango si Mama. “Do you need help? Or will you be able to handle it? Using your skills?”, tanong niya na may ngiti. Ngiting may kahulugan.
Ever since talaga, talking to Mama gives me a whole new perspective on things. At naalala ko bigla ang isang lamang ko kay Ben, something na kaya kong gawin para kay Julie na hindi niya kaya. Nginitian ko si Mama sabay niyakap. “I’ll handle it. Thanks, Ma! I love you!”.
“Good. I love you, too, anak”, sagot niya.
**********************
“Coming up after the break: a special production number, requested by Elmo Magalona”, sabi sa speakers habang nakaupo kami ni Julie sa dressing room, inaantay ang JuliElmo spot. Napatingin siya sa akin.
“Special productions number? Yung prod ba natin yun?”, tanong niya.
Patay malisya ako at nagkibit balikat. “Siguro? Ang labo nga eh, bakit may requested requested pa? Baka scripted yung spiel para sa fans”, sagot ko.
Tumango siya. “Oh, baka nga”, sabi niya.
Matapos ang ilang minuto, tinawag na kami ng crew. Sabay kaming naglakad papunta sa stage at umupo sa sofa na nakaset-up sa gitna bilang prop namin. May gitarang dekorasyon sa isang kanto ng stage, at isang vase ng bulaklak sa isa naman. Prinactice namin ni Julie ang kantang prinesent ni Direk sa amin for the JuliElmo spot, kahit na sa loob loob ko, alam kong hindi naman matutuloy kantahin iyon. May iba kasi akong plano, na pinayagan naman ni Direk in secret. Kaming dalawa lang ang nakakaalam nun.
“And here, for another kilig duet… JuliElmo!”, sigaw ng mga host sa spiel bago ang prod namin. Pero hindi tumugtog ang kanta. Nakita kong nagtaka si Julie kasi alam niyang on-air na kami. Tumayo ako at nagsalita sa mic.
“I’d like to thank direk for allowing me to do this”, ang tanging sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Julie habang nakatingin sa akin. Naglakad ako papunta sa gitara at kinuha ito. “Kuya, pahingi naman ng mic stand”, sabi ko sa stage crew sa kanan ng stage. Agad nila akong binigyan at nilagay ko ang mic doon. Sinuot ko ang strap ng gitara at lumuhod sa harap ni Julie. Agad na may tumakbong crew para i-adjust ang mic stand para umabot sa akin. May isa pang crew na nagdala ng bagong mic stand at mic para sa gitara ko. “Salamat”, sabi ko sa kanila nung paalis na sila. Pagkatapos, tumingin ako kay Julie. Bakas pa din ang gulat sa mukha niya. “Special production I requested… for you”, sabi ko sakanya. Ngumiti muna ako bago kumanta.
“Ikaw na ang may sabi, na ako’y mahal mo rin”, umpisa ko. Narinig kong nagtilian ang audience pero naka-focus lang ang tingin ko kay Julie, na nakatitig din sa akin. “At sinabi mong ang pag-ibig mo’y di magbabago. Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo? Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba “, patuloy ko. Nagkakagulo na sa studio. Todo ang hiyawan ng fans. Ang mga kasama naman naming mga artista, nakita kong nagsilabasan at nanunuod sa gilid ng stage. Di kasi nila alam na gagawin ko ito.
“‘Di ba nila alam, tayo’y nagsumpaan? Na ako’y sa ‘yo at ika’y akin lamang”. Unti-unti kong nakikita ang ngiti ni Julie. Napangiti ako lalo habang kumakanta.
“Kahit ano’ng mangyari, pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin. At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw pa rin, ang mahal. Maghihintay ako kahit kailan. Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na”. Nakita ko ang Ate Maxene at Kuya Frank ko na kasama sa mga nanunuod sa gilid. Kita ko ang ngiti at kilig ni Ate Maxx. Binigyan naman ako ng thumbs-up ni Kuya.
“At kung di ka makita, makikiusap ka’y bathala, na ika’y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo, ang nakalimutang sumpaan… na ako’y sa ‘yo at ika’y akin lamang”. Tinapos ko ang kanta. “Ngayon alam mo na ang nararamdaman ko, Julie”, sabi ko sa mic. Tahimik saglit sa studio pagkatapos ng kanta ko. Pagkatapos ng ilang segundo, sabay sabay na nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng tao sa studio: fans, crew, hosts at, nakita ko, kahit si direk. Pero ang tingin ko ay ibinaling ko lang sa nag-iisang taong binibigyan ko ng importansya ang reakson: kay Julie.
Nakita kong nangingilid ang luha sa mata niya. Tumayo siya at bigla akong niyakap, na siya namang ikinahiyaw ng mas malala ng mga tao. Niyakap ko din siya, mahigpit na mahigpit.
“Alam ko naman ang nararamdaman mo, Moe. Sinabi mo na sa akin diba?”, bulong niya habang magkayakap pa din kami. Hindi ko siya binitawan kahit pa alam kong ang daming nanunuod.
“Pakiramdam ko kasi nakalimutan mo na. Natatakot akong hindi na kita mabawi kay Ben”, sagot ko.
Itinulak ako ni Julie ng bahagya para magkatinginan kami. “Sino ba nagsabing nawala ako sayo?”, tanong niya ng nakangiti. Medyo malakas ang boses namin para magkarinigan kami dahil di pa din magkamayaw ang mga tao sa tuwa.
“Eh lagi mo kaya siyang kasama”, sabi ko.
Natawa si Julie at niyakap ako uli. “Kaibigan ko lang siya Elmo. Si Maqui ang nililigawan niya. Nagpapatulong lang siya sa akin. Ikaw ang gusto ko. Alam mo na yun diba?”.
Hindi ko maiwasang ngumiti ng malala. Oo, wala akong ibang maisip na description ng ngiti ko kundi malala talaga. “Kung ganon? Pwede ba kitang halikan? Kahit sa pisngi lang?”, tanong ko.
“Sa pisngi ba humahalik ang boyfriend?”, tanong niya.
Natigilan ako. “Ha?”.
Natawa siya. “Ayaw mo yata eh”. Magkayakap padin kami at naghihiyawan padin ang mga tao.
Ako naman ngayon ang nagtulak kay Julie palayo para matignan ko siya. “Tama ba ang intindi ko dito? Boy… boyfriend? Boyfriend mo na ako? Sinasagot mo na ako? As in, tayo na?”, tanong ko.
Ngumiti si Julie at tumango. “Yun ay kung tatanggapin mo yung ‘Oo’ ko”, sambit niya.
Wala nang sabi sabi pa, kahit pa alam kong nakatutok sa aming dalawa ang camera, kinuha ko ang mukha ni Julie at hinalikan siya sa labi. Syempre, mas lalong nagkagulo ang mga tao. Saglit ko lang hinalikan si Julie, pero pakiramdam ko buong buo na ang buhay ko. Hawak ko padin ang mukha niya.
“I love you, so much!”, sabi ko sa kanya. Di ako nakuntento. Binitawan ko siya at kinuha ang mic ko. Habang nakatitig sa kanya, kinuha ko ang kamay niya. “I love you, Julie Anne!”, sigaw ko para marinig ako above all the screaming. Lumakas lalo ang hiyawan. Tumingin ako sa kanilang lahat. “Everybody, meet my girlfriend!”, dagdag kong pasigaw. Nagpalakpakan lahat ng tao. Tumingin ako uli kay Julie. Nakangiti siya sa akin.
“I love you too, crazy”, she mouthed as she gave a peck on the cheek.
Niyakap ko uli siya. Inangat ko siya mula sa sahig at inikot ikot. Natawa siya. Her laugh may just be the most magical thing I’ve ever heard. At ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Dahil, sa bandang huli, kami pa rin pala.
-
mamays513 likes this
-
akaiito2kj likes this
-
pattylovejulielmo likes this
-
sushimet reblogged this from herekeithykeithy
-
sushimet likes this
-
hazelvictoria likes this
-
mycje-28 likes this
-
heyitzmewendy likes this
-
julielmoblocks likes this
-
lotiebalotie likes this
-
herekeithykeithy reblogged this from japselmolove
-
herekeithykeithy likes this
-
chismoesa likes this
-
julielmofanatic likes this
-
kazzy-the-killer likes this
-
mytangledthoughts likes this
-
jheikei likes this
-
darkangel404 reblogged this from japselmolove
-
jehnicka likes this
-
clumsygirl13 likes this
-
cheng64 likes this
-
sandraaanicole likes this
-
mrgrthclr13 likes this
-
spellharriet likes this
-
silentfangirl likes this
-
meds1025 likes this
-
togetherforeverjuielmo likes this
-
lovesyouendlessly reblogged this from japselmolove
-
aaangelinerebollo likes this
-
fanofjulielmo reblogged this from japselmolove
-
fanofjulielmo likes this
-
nhina147 reblogged this from japselmolove and added:
langya, kinilig ako ng todo dito! hahahaha
-
nhina147 likes this
-
unpredictedlife likes this
-
kuro-neko09 likes this
-
fefefeeev reblogged this from japselmolove
-
fefefeeev likes this
-
sweetygirl16 likes this
-
myheartcaresforyou likes this
-
spreadthelove123 likes this
-
myqueencontessa likes this
-
diehardfanofjulieannesanjose likes this
-
nageemotelang likes this
-
shinesaywhaat likes this
-
lcgermar likes this
-
iamlucky1014 likes this
-
iamnumbernine-jekdkx reblogged this from julielmodabest
-
iamnumbernine-jekdkx likes this
-
freeexploring likes this
-
chueerrypuff likes this
- Show more notes