JULIE & ELMO

"When it's all too much, look at what we've done."

COMING UP STRONG (Chapter 5)

EMAM’s JOURNAL

May mali akong ginawa ngayon, for sure yun. Sinungitan ko si Julie Anne, siya na nga tong nag-effort lumapit sa akin eh. Kinausap pa talaga niya ako at lahat lahat, pero parang feeling ko walang kainte-interes yung reaksyon ko sa kanya. Nakakainis ka, Elmo! Masyado ka kasing nagselos sa nakita mo, wala ka naman karapatan magselos! Anu bang nangyari? Nakita ko lang naman na magkayakap sila Julie at Rick kanina sa classroom nila. May bulaklak pa yung lalaking yun. Kainis! Di ko alam bakit ako nagselos, di naman kami ni Julie, ni hindi nga kami magkaibigan eh. Tae, tinamaan na talaga ako sa kanya. Tapos nakita pa niyang nakatitig ako, kaya karipas naman ako sa lakad. Tsk. Bakit ganun? Bakit ang sakit makita yung yakapan nila? Dahil ba crush ko si Julie? Crush lang naman eh. Tsaka anu ba kasi inisip ko? Na pwedeng maging kami kung sakali, dahil break na sila ni Rick? Eh pero, mukha namang hindi sila break ah. Baka nagkabalikan? Feeling ko nga. Nakita ko din sila dumaan sa courtyard magkasama kanina eh, tapos sabay pumasok sa kotse ni Rick. Ayun na naman, di ko na naman siya pinansin nun. Kumaway pa man din siya! Sa susunod, Elmo, wag mo na pairalin pagiging kupal mo ha. Pag kumaway siya, kaway. Pag ngumiti siya, ngiti. Pag tumabi siya sayo at kinausap ka, aaaay… gulungan na to.

Pero bakit nga kaya parang nag-eeffort siya makalapit sa akin lately? May gusto na kaya siya sa akin?… HAHAHA! ASA KA ELMO. Pero sana totoo yung sinabi niyang gawa kami ng song, one time. :)

Why you crying, it’s ok now
If I hold you, will you calm down?
It’s your way with words
That can make me burn

When you say it, do you mean it?

When I shout out, can you hear me?

Sa wakas, nadagdagan ko na din ng onti yung kanta. Konting lapat din na music bukas sa piano room sa school. Parang mas gusto kong i-piano to, kesa i-gitara eh.

******************

Why you cry—-“, kanta ko habang sinusubukan maglapat ng music sa ginagawa kong kanta. “Why you crying? It’s okay—“, paputol-putol ako kumanta kasi di ko pa din makapa yung magandang melody.

“Hi Elmo!”, may bumati sa akin mula sa likod ko. Agad kong hinatak yung papel ng lyrics mula sa music rack at tinago sa bag ko. Pagkatapos lumingon ako. Nakita kong papalapit si Julie sa akin. Mag-isa lang ako sa piano room, wala pa kasing klase doon. Kumaway ako sa kanya. Bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

“Hi”, bati ko. Nginitian niya ako at inilapag ang bag niya sa sahig bago umupo sa tabi ko. Maliit lang ang upuan sa piano, kaya dikit na dikit kami. Nararamdaman kong lalabas na sa dibdib ko yung puso ko pag di ito tumila sa pagbilis ng tibok.

Tumingin siya sa bag ko, naka-usli pa din yung papel ng lyrics. “Yun ba yung sinusulat mong kanta nung nakita kita sa hallway kahapon?”, tanong niya sa akin.

Tumango ako. “Uhm, sinusubukan kong lagyan ng melody eh”, sagot ko sakanya.

Nakita kong na-excite siya. “Oh? Tapos mo na? Parinig naman!”, paki-usap niya.

Napakamot ako ng ulo. “Eh… wag na muna. Di pa talaga tapos, first verse pa lang. Uhm… basta pag tapos na lang siguro”.

Nag-pout siya. Di ko mapigilan ang ngiti ko. Kahit ganun ang mukha niya, ang ganda pa din niya. At ang cute. Nakakainis, Elmo, ano ba pinag-iisip mo?

“Wag kang ganyan oh. Baka bumigay ako”, sabi ko bigla. Nasa isip ko lang yun, bakit bigla kong nasabi?! Shemay! Elmo, anu ba! Nabigla ako sa sarili ko. Ibinaling ko ang tingin ko. Di ako makatingin ng diretso sa kanya. Nakakahiya.

Narinig kong natawa siya ng bahagya. “Eh di pag bumigay ka, maririnig ko na yung kanta”, biro niya.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Kaya mo yan, Elmo. Sumagot ka. Magpakalalaki ka naman. Lumingon uli ako sa kanya, pero di ko talaga siya matignan sa mata, kaya pasulyap sulyap lang ako sa kanya at sa sahig. “Tsaka na talaga, promise.”

Sa pagsulyap ko, nakita kong ngumiti siya. “Sige ah, promise mo yan”, sabi niya.

Tumango lang ako. “Oo, sige”, sagot ko.

Tumahimik kami saglit. “Bakit ka nga pala nagawi dito?”, tanong ko sakanya.

“Hm? Ah, naglalakad kasi ako dyan sa labas kanina, napatingin ako dito sa loob. Nakita kita so naisipan kong lumapit sa kaibigan ko”, sagot niya sabay ngiti sa akin.

Nakakahawa yung ngiti niya. Napangiti na din ako. “Kaibigan? Ako?”, tanong ko. Nabigla kasi ako sa sinabi niya.

Natawa siya ng konti. “Ayaw mo ba?”.

Umiling ako. “Hindi hindi. Hindi yun ibig kong sabihin. I meant… di ko alam magkaibigan na pala tayo”, natawa ako.

“Ayaw mo nga ba?”, tanong niya uli.

Napangiti ako, yung nahihiyang ngiti. “Gusto. Sino ba naman hindi magkakagusto sayo?”. Nung narealize ko kung ano yung sinabi ko, napatingin ako bigla sa sahig. “I mean, sino ba naman hindi magkakagustong maging kaibigan mo, diba?”, biglang bawi ko. Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin sa sahig. Maling mali, Elmo! Sabit na sabit ka!

Natawa lang si Julie. “Yun naman pala eh. Eh di friends na tayo”, sagot niya. Di niya pinansin yung kabalbalan na sinabi ko, thank God!

Biglang bumukas ang pintuan ng piano room, at pumasok yung Composition professor ko, na mukhang professor din ni Julie kasi kilala niya kami pareho.

“Mr. Magalona, Ms. San Jose, parte ba kayo ng klase ko?”, tanong niya.

Tumayo ako at kinuha ang bag ko mula sa sahig, sabay sabit nito sa balikat ko. “Uhm, hindi po, sorry”, sagot ko.

Tumayo din si Julie sa tabi ko. “Alis na po kami, Maam. Sorry”, sagot din niya.

Naramdaman ko yung kamay niya sa likod ko, tinutulak ako para maglakad na. Bahagya akong natulala dahil kinilig akong hinawakan niya ako, pero pagkaraa’y narealize kong kelangan ko nang maglakad. Lumabas na kami pareho.

“Saan ka na niyan?”, tanong ni Julie paglabas namin.

“Uhm, wala. Tambay. Mamaya pang after lunch klase ko eh”, sagot ko.

Ngumiti siya. “Pareho tayo. Tara, lunch tayo”, imbita niya, sabay ikot at lakad patungo sa cafeteria.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Yung kausapin nga niya ako, mautal-utal na ako eh. Pag kumain kami magkasama? Baka mabulunan ako’t matuluyan na. “Uhm…”, ang tanging nasabi ko. Napakamot ako sa ulo ko.

Lumingon si Julie. Narealize siguro niyang hindi ako nakasunod. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko, sabay hatak. Halos himatayin ako nung hawakan niya kamay ko. “Tara na, Elmo. Diba magkaibigan tayo?”, tanong niya sa akin.

Tumango nalang ako. “Oo naman. Sige sige”, sagot ko. Ano pa nga bang magagawa mo kung ang babaeng gusto mo eh niyaya ka kumain? Eh di wag nang pakipot. Sumama na lang.

  1. braveyface03 reblogged this from japselmolove
  2. japselmolove posted this